Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Cardinal Tagle, nagpaabot ng mensahe sa mga naapektuhan ng lindol sa Davao del Sur.

SHARE THE TRUTH

 190 total views

Inalala ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, incoming Prefect of Propaganda Fide ang mga biktima ng magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Davao del Sur sa pagsisimula ng unang Misa de Gallo sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o mas kilala bilang Manila Cathedral.

Inihayag ni Cardinal Tagle na agad siyang nagpaabot ng personal na mensahe sa mga Obispo ng mga diyosesis na naapektuhan ng 6.9-magnitude na lindol sa Mindanao kung saan ang pinaka-sentro ay ang Diocese ng Digos.

Ibinahagi rin ni Cardinal Tagle ang pahayag sa kanya ni Digos Bishop Guillermo Afable na isang Pari ng Diyosesis ang nasugatan sa lindol bukod pa sa maraming ari-arian ang nasira.

Sinabi ni Cardinal Tagle na sa kabila ng trahedya ay tiniyak ni Bishop Afable sa kanya ang patuloy na paggunita at pagsasagawa ng Simbang Gabi at Misa De Gallo sa diyosesis bilang pagpapahayag ng patuloy na pananampalataya sa Panginoon.

“Alalahanin po natin ang mga kapatid natin lalo na sa Mindanao na kahapon ay dumanas na naman ng lindol at mas malakas kaysa sa mga nauna pa, ako po ay nagpadala ng mensahe sa mga Obispo doon sa bahagi ng Cotabato, Davao, Davao Del Sur ang pinakanaapektuhan ay yung nasasakupan ng Diyosesis ng Digos at sabi nung Obispo (Digos Bishop Guillermo Afable) kagabi meron pang isang Pari na sugatan dahil inabutan ng lindol habang bumibisita siya sa isang malayong lugar pero sabi nung Obispo (Digos Bishop Guillermo Afable), Chito Simbang Gabi na bukas at ipapamalas ng sambayanan na kahit na lindol may pananampalataya…” bahagi ng homiliya ni Cardinal Tagle.

Ayon kay Cardinal Tagle, ito ang tunay na diwa ng Simbang Gabi na maipahayag ang pananampalataya at paniniwala sa biyaya at kaloob ng Panginoon sa sanlibutan sa pamamagitan ng pagtutok kay Hesus na tagapaghatid ng kapayapaan at nagligtas sa sangkatauhan mula sa kasalanan.

“At yun po ang diwa ng Simbang Gabi ‘pananampalataya’ nananalig tayo at naniniwala na mayroong dadating na Hesus, ang Diyos magliligtas, Emmanuel ang Diyos kapiling natin, at sa darating na siyam na araw siya ang ating titingnan para sa pagdating ng Pasko. Siya si Hesus ating tanggapin ng mabago, magkaroon ng liwanag, magkaroon ng kapayapaan ang ating buhay, ang ating pamilya at ang ating sambayanan…” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Dahil dito hinimok ng Kardinal ang bawat isa na alalahanin at makiisa sa lahat ng mga nasalanta ng iba’t-ibang kalamidad na patuloy na nagpapahayag ng kanilang pananampalataya sa Panginoon sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Misa de Gallo at Simbang Gabi sa kabila ng pangamba at takot na dulot ng kalamidad.

Hinamon naman ni Cardinal Tagle ang bawat mananampalataya na makibahagi sa lahat ng 9 na araw na Misa De Gallo o Simbang Gabi na sumisimbolo rin ng pakikibahagi sa 9 na buwang pagdadalang tao ng Mahal na Birheng Maria kay Hesus na siyang Prinsipe ng Kapayapaan at Tagapagligtas ng Sanlibutan.

Pinaalalahan rin ng Kardinal ang lahat lalu na ang mga kabataan na huwag magpalinlang sa mga Fake News o anumang halaga ng salapi kapalit ang katotohanan.

Tinukoy ni Cardinal Tagle na dahil sa mga mali o huwad na mga paratang ay namatay si Hesus sa Krus kaya’t mahalagang maging tunay na saksi ng katotohanan at Mabuting Balita na nais na palaganapin ng Panginoon sa sanlibutan.

“Simbang Gabi siyam na madaling araw o siyam na gabi. Ito po ay mga Misa sa karangalan ng Diyos na pagbibigay niya sa atin ng isang babae na nangangalang Maria na unang tumanggap kay Hesus bilang kanyang anak at sa siyam na buwan dinala niya si Hesus sa kanyang sinapupunan hanggang dumating ang pagsilang. Sa siyam na Simbang Gabi parang sinasamahan natin si Maria ng siyam na buwan, bawat araw isang buwan ng pagbubuntis ni Maria at tayo naman sinasamahan natin siya, natututo tayo kay Maria papaano taglayin si Hesus sa ating buhay. Kaya tayo na nagsimula unang araw, tapusin ang siyam na buwan, tapusin ang siyam kung hindi baka ma-premature…” Ang hamon ni Cardinal

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 13,059 total views

 13,059 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 20,540 total views

 20,540 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 33,680 total views

 33,680 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 39,653 total views

 39,653 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 45,407 total views

 45,407 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Divorce forum, itinakda ng Diocese of Novaliches

 8,669 total views

 8,669 total views Aktibong kumikilos ang Family and Life Commission ng Diocese of Novaliches upang mapalawak ang kamalayan ng mga Pilipino sa kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya. Para lalong maunawaan ang negatibong epekto sa pagsasabatas ng divorce ay magsasagawa ng Forum on Absolute Divorce Bill na may titulong “Understanding God’s Plan on Marriage and Family” ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong arsobispo ng Archdiocese of Caceres, ginawaran ng pallium ng Santo Papa

 14,482 total views

 14,482 total views Personal na ginawaran ni Pope Francis ng Pallium ang 42 mga bagong arsobispo mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang nag-iisang Pilipino na bagong arsobispo ng Arkidiyosesis ng Caceres na si Archbishop Rex Andrew Alarcon. Naganap ang paggagawad ng Pallium sa St. Peter’s Basilica kasabay ng pagdiriwang ng Banal na Misa para

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Ipanalangin ang proteksyon at kapayapaan ng Pilipinas, panawagan ng mga Obispo

 15,613 total views

 15,613 total views Nanawagan ng sama-samang pananalangin ng Santo Rosaryo ang mga obispo ng Simbahang Katolika upang ipanalangin ang proteksyon at kapayapaan ng Pilipinas kaugnay sa pilit na inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Bilang tugon sa patuloy na pag-igting ng tensyon na kinahaharap ng bansa partikular ng mga Pilipinong mangingisda at hukbong dagat

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, nagpapasalamat sa pagkilala ng NHCP sa Cabanatuan cathedral

 10,621 total views

 10,621 total views Nagpapasalamat ang Diyosesis ng Cabanatuan sa pagkilalang iginawad ng National Historical Commission of the Philippines sa St. Nicholas of Tolentine Parish Cathedral o kilala bilang Cabanatuan Cathedral para sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa. Sa naganap na unveiling ng national historical marker sa katedral noong ika-14 ng Hunyo, 2024 ay ibinahagi

Read More »
photo source: Roman Catholic Diocese of Novaliches
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SCAD, ilulunsad sa Diocese of Novaliches

 17,054 total views

 17,054 total views Opisyal na ilulunsad Super Coalition Against Divorce (SCAD) na binubuo ng iba’t ibang mga grupo at institusyon ng Simbahan laban sa isinusulong na diborsyo sa Pilipinas. Halos isang buwan mula ng ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso noong ika-22 ng Mayo, 2024 ang House Bill 9349 o Absolute Divorce Bill ay nagkaisa ang

Read More »
Photo Source: St. Nicholas Of Tolentine Parish Cathedral / Historic Cabanatuan Cathedral
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

National Historical marker, iginawad sa Cabanatuan cathedral

 15,716 total views

 15,716 total views Binigyang pagkilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ang St. Nicholas of Tolentine Parish Cathedral o mas kilala bilang Cabanatuan Cathedral sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa. Pinangunahan ni Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud ang unveiling ng national historical marker na matatagpuan sa Cabanatuan Cathedral kung saan ang kumbento ng Simbahan ay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Namayapang biking Priest, hinahangaan ng CBCP President

 15,292 total views

 15,292 total views Nagpahayag ng paghanga at pagkilala si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa naging makabuluhang buhay at adbokasiya ng namayapang si Redemptorist Father Amado “Picx” Picardal, CSsR. Sa Pastoral Visit On-Air sa Radyo Veritas ni Bishop David ay ibinahagi ng Obispo ang pakikidalamhati at pakikibahagi sa paghahatid

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Diocese ng Malolos, naglabas ng pahayag laban sa Absolute Divorce Act

 16,020 total views

 16,020 total views Naglabas ng opisyal na pahayag ang Diyosesis ng Malolos patungkol sa panukalang batas na nagpapahintulot ng Absolute Divorce sa bansa. Sa pahayag ng diyosesis na may titulong ‘Pananagutan ang Pagmamahal’ ay binigyang diin ng Diyosesis ng Malolos na pinangangasiwaan ni Bishop Dennis Villarojo na mahalagang muling pagnilayan at suriin ang pagsasabatas ng diborsyo

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Arkidiyosesis at diyosesis sa bansa, hinimok na makiisa sa “prayer for peace and social transformation”

 28,267 total views

 28,267 total views Nanawagan ang Caritas Philippines sa bawat diyosesis sa Pilipinas na makibahagi sa ‘Prayer for Peace and Social Transformation’ bilang pakikiisa sa Good Governance Month na idineklara ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines. Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza – vice chairman ng humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP, inaprubahan ng

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CBCP-ECPPC, nanawagan sa pamahalaan na tugunan ang kapakanan ng PDLs

 28,652 total views

 28,652 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa mga ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga bilangguan sa bansa na tutukan ang kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa gitna ng matinding init na nararanasan sa kasalukuyan. Ito ang kahilingan ni Military Ordinariate

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Walk for Life 2024, isasagawa sa Archdiocese of Palo

 29,143 total views

 29,143 total views Nakatakdang magsagawa ng lokal na Walk for Life 2024 ang Archdiocese of Palo at Palo Council of the Laity bilang patuloy na paninindigan ng mga layko sa pagsusulong ng kasagraduhan ng buhay. Nakatakdang ang pagsasagawa ng gawain sa darating na Sabado, ika-27 ng Abril, 2024 ganap na alas-kuwatro ng madaling araw hanggang alas-otso

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, binalaan sa pekeng email account ni Archbishop Palma

 32,826 total views

 32,826 total views Muling nagbabala sa publiko ang Archdiocese of Cebu kaugnay sa mga gumagamit ng pekeng email account na nakapangalan kay Cebu Archbishop Jose Palma. Bahagi ng babala ng arkidiyosesis ang pag-iingat ng publiko sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-komunikasyon sa mga mapanamantalang indibidwal na ginagamit ang pangalan ni Archbishop Palma sa paghingi ng donasyon at tulong

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pastoral fund outsourcing, inilunsad ng Prelatura ng Batanes

 32,342 total views

 32,342 total views Ibinahagi ni Batanes Bishop Danilo Ulep ang isinasagawang pangangalap ng pondo ng Prelatura ng Batanes upang maisakatuparan ang mga programa ng Simbahan para sa mamamayan ng lalawigan. Sa programang pastoral visit on-air ni Bishop Ulep sa Radio Veritas ay ibinahagi ng Obispo ang kanyang panibagong misyon na makapangalap ng pondo upang maisakatuparan ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pahalagahan ang tinatamasang kalayaan ng Pilipinas, panawagan ni Bishop Santos Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mahalagang patuloy na alalahanin at pasalamatan ang mga bayaning nagpamalas ng kagitingan para sa kapakanan ng bansa.

 33,915 total views

 33,915 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Antipolo Bishop Ruperto Santos – vice chairman ng migrants ministry ng CBCP sa ika-82 taong paggunita sa Araw ng Kagitingan. Ayon sa Obispo, naaangkop lamang na patuloy na pasalamatan ang mga nagbuwis ng kanilang buhay para sa karapatan at dignidad ng mga Pilipino lalo’t higit para sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, ipagdarasal ang kapakanan ng mga kababaihan

 35,949 total views

 35,949 total views Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pakikiisa sa Kanyang Kabanalan Francisco sa pananalangin para sa mga kababaihan ngayong buwan ng Abril. Ito ang ibinahagi ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla, kaugnay sa prayer intention ni Pope Francis ngayong buwan na inilaan para sa mahalagang papel ng mga kababaihan sa lipunan. Ayon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top