Obispo ng Digos, nanawagan ng panalangin kasunod ng 6.9 na lindol sa Davao del Sur

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 651 total reads

Hiniling ni Digos Bishop Guillermo Afable sa mga Filipino ang taimtim na panalangin para sa kaligtasan ng mamamayan sa Mindanao partikular sa Digos Davao Del Sur na nakaranas ng malakas na lindol ganap na alas 2:11 ng hapon.

Sa panayam ng Radio Veritas, sinabi ng obispo na bukod tanging pagdarasal ang mabisang pamamaraan upang maiadya sa anumang kapahamakan ang sanlibutan.

“Nanawagan ako sa mga Filipino na sama-sama tayo to pray the Holy Rosary especially today, because this is the best thing to do in times of danger,” pahayag ni Bishop Afable.

Kasalukuyang nararamdaman ang pagyanig sa malaking bahagi ng Davao region kung saan ayon sa Philvocs naitala ang 6.9 magnitude na lindol Hilagang Kanluran ng bayan ng Padada sa Davao Del Sur.

Dalangin ni Bishop Afable ang kaligtasan ng mananampalataya sa rehiyon habang patuloy itong naghihintay ng ulat mula sa mga pari sa mga parokyang apektado.

Nawalan din ng suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng Davao Del Sur dulot ng pagyanig.
Naramdaman ang intensity VI sa Matanao Davao Del Sur kung saan ang lindol ay may tectonic origin at may lalim na 30 kilometro.

Magugunitang patuloy pa rin ang pagbangon ng North Cotabato kasama na ang ilang lugar sa Davao Del Sur dahil sa magkakasunod na lindol noong Oktubre na ikinasawi ng mahigit sa 20 indibidwal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 127,969 total reads

 127,969 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 264,874 total reads

 264,874 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 380,649 total reads

 380,649 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 495,816 total reads

 495,816 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top