Pangulo ng CBCP, hinimok ang mamamayan ng Mindanao na maging kalmado.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 459 total reads

Hinimok ng pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mamamayan ng Mindanao na apektado ng lindol na manatiling kalmado sa kabila ng mga pagyanig.

Ayon kay Davao Archbishop Romulo Valles, mahalagang iwasan ng mamamayan ang magpanik upang maisip ang mga gagawin para maging ligtas.

“Let us pray for calmness, not to panic,” pahayag ni Archbishop Valles sa Radio Veritas.

Ang paalala ng arsobispo ay kasunod ng 6.9 magnitude na lindol na yumanig sa malaking bahagi ng Davao del Sur ganap na alas 2:11 nitong ika – 15 ng Disyembre.

Hinikayat din ni Archbishop Valles ang mamamayan na sundin ang mga natutuhan sa mga isinasagawang earthquake drills.

“Let us try our very best to follow the known ‘what to do’ steps when an earthquake occurs,” paalala ng Arsobispo.

Sa inisyal na ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, apat ang nasawi sa panibagong lindol sa Mindanao makaraang nabagsakan ng gumuhong pader ng bahay at gumuhong establisimiyento.

Ayon sa Philvocs, naitala ang sentro ng lindol sa Padada Davao Del Sur kung saan ito ay may tectonic origin at may lalim na 30 kilometro.

Nauna nang hiniling ni Digos Bishop Guillermo Afable ang panalangin ng Santo Rosaryo bilang sandata sa panahong nahaharap sa banta ng sakuna ang mamamayan.

Read: Obispo ng Digos, nanawagan ng panalangin kasunod ng 6.9 na lindol sa Davao del Sur

Samantala, hiling ni Archbishop Valles ang kaligtasan ng bawat mananamapalatataya lalo’t nagsimula na ang mga Misa De Gallo o ang siyam na araw na paghahanda sa kapanganakan ng Panginoong Hesus.

“And let us pray to the Lord for everyone’s safety.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 39,321 total reads

 39,321 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 75,024 total reads

 75,024 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 301,294 total reads

 301,294 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 194,762 total reads

 194,762 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 286,680 total reads

 286,680 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top