No to firecrackers at fireworks!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 879 total reads

Nanawagan ang pinunong pastol ng Diyosesis ng Tagbilaran sa mamamayan para sa malinis at mas ligtas na pagdiriwang ng Pasko ng kapanganakan ni Hesus at pagsalubong ng bagong taon.

Ayon kay Bishop Alberto Uy, dapat iwasan ng mga Filipino ang paggamit ng mga paputok dahil sa masamang epekto sa kalusugan at kapaligiran.

“Let’s have a clean and healthy Christmas and New Year by saying NO TO FIRECRACKERS AND FIREWORKS!” panawagan ni Bishop Uy.

Batay sa pag-aaral ng Department of Health, lubhang mapanganib ang inilalabas na hydrocarbons mula sa mga paputok na humahalo sa hangin sa kalusugan ng tao lalu na sa mga bata, buntis at may hika o asthma.

Sinabi ng DOH ma ang suspended particulate matter (SPM) mula sa fireworks ay magdudulot ng sakit sa lalamunan, ilong at mga sakit sa mata, bukod pa rito ang labis na epekto sa puso, respiratory at nervous system disorders.

Binigyang pansin din ng Obispo ang standard noise level na itinakda ng Department of Environment and Natural Resources para sa mas maayos na kapaligiran na 60 decibel sa araw habang 50 decibel naman sa gabi.

Ang mga fireworks ay aabot ng hanggang 140 decibels ang nalilikhang ingay na mapanganib sa tao na nagdudulot ng problema sa pandinig, pagtaas ng pressure ng dugo at sleep disturbance.

Dahil dito hiling ni Bishop Uy sa mamamayan na iwasan ang mga paputok sa halip ay gumamit na lamang ng ibang uri ng pampaingay sa pagsalubong ng Pasko at bagong taon upang makaiwas sa posibleng aksidente at sa sakit.

Kilala si Bishop Uy na nagsusulong ng malinis na kapaligiran alinsunod sa ensiklikal na Laudato Si ni Pope Francis at para sa kaligtasan at malusog na pangangatawan ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 128,535 total reads

 128,535 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 265,393 total reads

 265,393 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 381,168 total reads

 381,168 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 496,308 total reads

 496,308 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top