Caritas Manila, tiniyak ang patuloy na paglingap sa mga maralita sa taong 2024

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,670 total views

Nagpapasalamat ang opisyal ng Caritas Manila sa lahat ng nakikiisa sa adbokasiya ng simbahan na maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap.

Ito ang mensahe ni Fr. Anton CT Pascual-executive director ng Caritas Manila at pangulong Radyo Veritas sa pagbubukas ng taong 2024.

Ipinapaabot din ng pari ang pasasalamat sa lahat ng mga nakipagtulungan sa misyon ng Caritas Manila kabilang na ang mga donor, benefactor at partnered-agencies o Non-government Organization (NGO’s).

“Lubos ang aming pasasalamat sa inyong pagtitiwala naway magtiwala pa tayo sa pagpasok ng 2024 sa ating mga donations, pledges, at tithing upang marami pang mahihirap ang makadama ng pag-ibig at katarungan ng Diyos na buhay. So, para sa ating mga donors at benefactors, mga Kapanalig, pagpalain kayo ng Diyos! Siksik, liglig at umaapaw sa inyong kagandahang loob,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr. Pascual.

Paalala pa ng Pari ang patuloy na pakikiisa ng mga mamamayan higit na ng mga mananampalataya sa mga programa ng Caritas Manila na higit na papalawigin at isusulong ang pagpapakain sa mga nagugutom, pagpapaaral sa mga kabataan at pagbibigay ng kabuhayan sa mga pinakanangangailangan sa buong Pilipinas.

Ito ay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng anumang makakakayanang halaga sa Caritas Manila o pakikiisa sa mga Segunda Mana Stores upang makalikom ng sapat na pondong inilalalaan para sa mga programa ng Caritas Manila.

“Sa mga Kapanalig, tayo po ay nagpapasalamat sa Diyos at sa ating mga Kapanalig sa pagtatapos ng 2023 marami po tayong natulungan mga mahihirap sa buong bansa lalung-lalu na sa kalakhang Maynila sa mga programa at proyekto ng Caritas Manila,” ayon pa kay Fr. Pascual.

Sa tala ng Caritas Manila, noong 2020 hanggang 2021 sa kasagsagan ng COVID-19 Pandemic ay higit sa P2-bilyong ang nalikom at nailaan sa mga naapektuhan ng pandemya.

Taong 2022, higit sa P111-milyon piso naman ang nailaang pondo para sa scholars sa ilalim Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP at higit sa 30-libong pamilyang nasalanta ng ibat-ibang uri ng kalamidad ang natulungan sa nalikom na donasyon ng Caritas Manila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 10,977 total views

 10,977 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 39,328 total views

 39,328 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 107,058 total views

 107,058 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 130,209 total views

 130,209 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 199,614 total views

 199,614 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Proteksyon, panawagan ng WMRA

 7,146 total views

 7,146 total views Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi

Read More »
Scroll to Top