Catholic schools, tutugunan ang mental wellness ng nga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,646 total views

Tiniyak ni Fr. Daniel Estacio, superintendent ng Pasig Diocesan Schools System (PaDSS) na nakahandang umagapay ang mga katolikong paaralan para sa mga kabataang nakakaranas ng mental disorder.

Kaugnay ito sa paggunita sa World Teen Mental Wellness Day na layong magbigay ng kamalayan upang higit na pagtuunan ang kalusugang pangkaisipan ng mga kabataan sa bawat tahanan.

Sinabi ni Fr. Estacio, na siya ring pangulo ng Pasig Catholic College na maaaring lapitan ng mga mag-aaral ang kanilang mga guro upang mapagsabihan at mahingan ng payo na makakatulong sa pagpapagaan ng kanilang pinagdaraanan.

“Sa mga kabataang nakakaranas ng mental health disorder lalo na sa mga nag-aaral sa catholic schools, huwag kayong mahihiyang magsabi sa inyong mga guidance counselors, sa inyong mga teachers, and even sa inyong mga parents. May mga ino-offer tayong mga intervention lalo na ang ating catholic schools para matulungan kayo,” pahayag ni Fr. Estacio sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa 2021 Youth Adult Fertility and Sexuality Study ng University of the Philippines Population Institute (UPPI), halos isa sa limang kabataang Filipino na may edad 15 hanggang 24 ang nag-iisip na magpatiwakal.

Nakasaad sa pagsusuri ng UPPI na noong 2013, higit 574-libo o tatlong porsyento ng kabataang Filipino ang sumubok na magpatiwakal, habang tumaas pa ang bilang nito noong 2021 na umabot sa 7.5 porsyento o halos 1.5 milyon.

Nangako naman si Fr. Estacio na patuloy na gagampanan ng mga katolikong paaralan ang tungkuling gabayan ang mga kabataan hindi lamang sa pamamagitan ng karunungan, kundi sa lahat ng aspeto ng buhay.

“Bilang katolikong paaralan, ‘yan po ‘yung ating isa sa mga pangunahing pinagtutuunan ng pansin—the welfare of our students. Kapag sinabing welfare of our students, hindi lang physically, mentally, kundi buo, holistic—spiritual, mental, psychological, physical and emotional,” saad ni Fr. Estacio.

Dalangin naman ng simbahan na nawa’y mabanaagan ng mga kabataan at iba pang nakakaranas ng mental health problem ang pag-asa at kapanatagan ng kalooban sa kabila ng mga pinagdaraanang pagsubok sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 56,013 total views

 56,013 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 84,018 total views

 84,018 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 101,818 total views

 101,818 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 99,416 total views

 99,416 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 207,656 total views

 207,656 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top