CBCP-Episcopal Commission on Social Communications, hinimok ang mamamayan na pigilan ang “fake news infodemic”.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 510 total views

Hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Communications ang mamamayan na tiyakin ang katotohanan sa pagbabahagi ng mga impormasyon sa publiko.

Ito ang mensahe ni Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., chairman ng komisyon sa pagdiriwang ng World Communications Day ngayong Mayo 16, 2021.

Ipinaliwanag ng obispo na mahalaga ang personal na pagsaliksik sa bawat impormasyon bago ibahagi upang maiwasan ang ‘fake news infodemic’.

“Sa pag-alam sa katotohanan at sa pagbabahagi nito ay ating masaksihan at alamin nang personal ang katotohanan sa pamamagitan ng karanasan at pagkilala sa tunay na sitwasyon at kalagayan ng mga tao at pangyayari; napakahalaga ang pag-iingat at pagsisigurado,” pahayag ni Bishop Maralit sa Radio Veritas.

 

[smartslider3 slider=22]

 

Tinuran ng obispo ang mabilis na pagkuha ng impormasyon gamit ang makabagong teknolohiya at internet gayundin ang pagpapakalat nito nang walang sapat na beripikasyon.

Sinabi ng opisyal ng social comunications ministry na lubhang mapanganib ang “search – google – post’ sapagkat may mga impormasyon sa internet na walang sapat na basehan dahilan upang lumaganap ang fake news sa lipunan.

Sa mensahe ng Kanyang Kabanalan Francisco sa ika – 54 na World Communications Day binigyang diin nito ang kahalagahan ng pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan ng mamamayan sa lipunan.

Tema ngayong taon ang ‘Come and See’ na isang magandang paanyaya upang higit na mapadaloy ang mensahe ng Panginoon sa sangkatauhan.
Pinag-iingat din ni Pope Francis ang mamamayan sa epekto ng social media na laganap ang ‘misinformation’.

Hamon ng santo papa na gamitin sa mabuting pamamaraan ang internet at social media sa kapakinabangan ng mamamayan, sa pagbabahagi ng makatotohanang balita at mga Salita ng Diyos.

Hinimok ni Bishop Maralit ang mamamayan ang pananalangin sa Panginoon na maging daluyan sa pagbabahagi ng makatotohanang impormasyon.

“Ano pa nga ba ang mas gagaling pa kaysa PERSONAL at HARAPANG pagdanas at pag-alam sa katotohanan, at ang magnilay muna sa diwa ng panalangin bago maniwala at magpahayag ng balita o impormasyon,” giit ni Bishop Maralit.

Kaugnay nito, pangungunahan ni Bishop Maralit at Archdiocese of Manila Commission on Social Communications kasama ang mga diocese ng Ecclesiastical Province of Manila ang paggunita sa 55th World Communications Day sa Sabado May 15, 2021, ganap na 10:00 ng unaga via ZOOM.

Ang pagkilala sa mga individual at SOCOM ay mapapanood live via Facebook through TV Maria, Radio Veritas and RCAM Office of Communications pages.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 47,546 total views

 47,546 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 171,957 total views

 171,957 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 214,305 total views

 214,305 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 292,292 total views

 292,292 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top