CBCP, nagbabala laban sa MDM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 443 total reads

Nagbabala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines laban sa Maria Divine Mercy (MDM) na nagpapakalat ng mga maling katuruan ng Simbahang Katolika.

Sa inilabas na pahayag ng CBCP, masusing pinag-aralan nina Balanga Bishop Ruperto Santos, National Episcopal Coordinator ng Divine Mercy at ng Divine Mercy Philippines – National Working Committee ang mga katuruan na ipinamamahagi ng MDM na magdudulot ng kalituhan sa mananampalataya, walang katotohanan at walang basehang katuruan ng Simbahan.

Mariing pinaalalahanan ng mga lider ng Simbahang Katolika ang higit sa 86 na milyong Katoliko sa Pilipinas na maging maingat sa pakikipag-ugnayan sa mga grupong ginagamit ang Simbahang Katolika sa mga pansariling interes.

Noong Abril, unang nagpalabas ng babala si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza hinggil sa Maria Divine Mercy na nagpapakalat ng librong pinamagatang ‘The Book of Truth’ kung saan nasasaad dito ang sanhi ng pagbitiw sa puwesto ni Pope Benedict XVI habang ang mga susunod na Santo Papa ay mga bulaang propeta at maging ang nalalapit na ikalawang pagdating ng Panginoong Hesukristo.

Binalaan ni Bishop Alminaza ang mga mananampalataya na huwag paniwalaan ang nilalaman ng nasabing aklat at maging ang mga katuruan na ipinapakalat ng MDM.

Sa mensahe ng Santo Papa Francisco sa ika – 52 World Communications Day na pinamagatang ‘The truth will set you free’.

Binigyang diin nito ang kahalagahan na labanan ang pagkalat ng mga maling impormasyon sa halip ay palaganapin ang Mabuting Balita ng Panginoon upang makamtan ang kapayapaan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 36,285 total reads

 36,285 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 74,049 total reads

 74,049 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 109,348 total reads

 109,348 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 335,618 total reads

 335,618 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 226,736 total reads

 226,736 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top