CEAP, makikipagtulungan kay Presumptive Vice President Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 732 total reads

Inaasahan ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na bibigyang prayoridad ng susunod na kalihim ng Department of Education (DepEd) ang krisis na kinakaharap ng sektor ng edukasyon dulot ng COVID 19 pandemic.

Ito ay matapos italaga ni Presumptive President Ferdinand Marcos Junior si Presumptive Vice-president Sarah Duterte bilang susunod na DEPED Secretary.

Ayon kay Alan Arellano, executive director ng C-E-A-P, maaring makatulong ang popularidad ng incoming Vice-President upang maimpluwensiyahan ang mga kabataan tungo sa mabuting landas.

“Her popularity may be an asset to influence the young people to be better Filipinos. If indeed she will be the one to run the department, we hope that she could address the education crisis we are facing. In the days to come, she may be consulting the education stakeholders. We are willing to be part of that process,” pahayag ni Arellano sa Radio Veritas.

Bagamat itinanggi ni VP Duterte ang pagsusulong ng Mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) ay ipinahayag ng C-E-A-P ang kahandaang tumulong sa pagbabalangkas ng mga patakaran sakaling ipatupad ang mandatory ROTC.

“Kung magiging bahagi eto ng kurikulum, tutulong kami sa pagbalangkas ng mga nararapat na pagpapahalaga na dapat matutuhan ng kabataan na magiging makadiyos, makabayan, makatao at makakalikasan,” pagbabahagi ni Arellano

Nanindigan din ang CEAP na kailanman ay hindi mababago ang katotohanan.

Ito ay dahil sa pangamba ng ibat-ibang religious at youth groups na baguhin ng susunod na administrasyong Marcos ang kasaysayan ng bansa at tanggalin ang tala at opisyal na datos ng Martial Law.

Ayon kay Arellano, magpapatuloy ang Catholic at Private Schools na ituro sa mga kabataan ang katotohanan at pagbibigay ng aralin na patitibayin ang pagtitimbang ng isang mag-aaral upang laging piliin ang tama.

Ayon sa opisyal na talaan ng CEAP, aabot sa mahigit 1,600 na Catholic at Privates schools ang kasapi sa hanay ng institusyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 6,872 total reads

 6,872 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 93,791 total reads

 93,791 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 131,164 total reads

 131,164 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 162,425 total reads

 162,425 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 234,907 total reads

 234,907 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top