1,480 total views
Itinalaga ng Catholic Education Association of the Philippines ang 2025 CEAP National Convention sa temang “Living Synodality as Pilgrims of Hope,”.
Gaganapin ang CEAP national convention sa September 30 hanggang October 03 sa SMX Convention Center sa Pasay city.
Magsasama ang mga CEAP member schools and institutions gayundin ang mga catholic education stakeholders and officials sa parehong private at public sector.
Pag-usapan sa convention ang pagtutulungan sa patuloy na pagsusulong ng dekalidad na edukasyon para sa mga kabataan.
“With the theme “Living Synodality as Pilgrims of Hope,” this year’s convention underscores the shared mission of public and private schools in ensuring access to quality education for all Filipino learners,” bahagi ng mensaheng ipinadala ng CEAP sa Radyo Veritas.
Layunin din ng 2025 CEAP National Convention na matalakay ang pagtutulungan ng pamahalaan at private school sector sa pagbibigay ng pagkakataon o access sa mga kabataan na makamit angd dekalidad na edukasyon saan mang panig ng Pilipinas at anumang antas ng kanilang pamumuhay.
Tutugunan din sa convention ang bumabang antas ng mga mag-aaral sa private schools at paglipat ng mga guro sa mga public schools.
“Government Support and Subsidies: Expansion of the K–12 voucher program, inclusion of TVET in vouchers, higher Teacher Salary Subsidy (TSS), and smarter use of public funds through support for private schools, Regulatory and Policy Concerns: Effects of “No Permit, No Exam,” tuition regulation, mandated salary increases, and class suspensions; CEAP’s call for reasonable regulation that balances state oversight with institutional rights,” ayon pa sa mensaheng pinadala ng CEAP hinggil sa mga paksang matatalakay sa National Convention.
Sa datos ng CEAP ngayong 2025, umaabot na sa 1,525 ang mga miyembrong catholic schools and institutions habang umaabot naman sa 120 ang mga Diocesan Superintendents na namamahala o nangangasiwa sa catholic education sa ibat-ibang diyosesis.