Ceasefire sa Myanmar, panawagan ni Cardinal Bo kasunod ng mapaminsalang lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,116 total reads

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of Myanmar (CBCM) para sa agarang pagtigil ng labanan sa pagitan ng mga puwersa ng military junta at mga guerilla upang pahintulutan ang malayang pagpasok ng tulong para sa mga biktima ng 7.7 magnitude earthquake noong March 28.

Sa pahayag, sinabi ni CBCM president at Yangon Archbishop Cardinal Charles Maung Bo, na mahalaga ang agarang paghinto ng kaguluhan upang maayos na maihatid ang kinakailangang tulong sa mga biktima ng lindol at ng matagal nang labanan sa bansa.

“We urgently call for an immediate and comprehensive ceasefire by all parties involved in the conflict to ensure the safe and unimpeded delivery of essential humanitarian aid by local and international supporters,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Bo.

Ayon sa CBCM, nakikipag-ugnayan na ang United Nations upang makapaghatid ng suporta sa mga apektado ng umiiral na krisis.

Tiniyak din ng Simbahang Katolika ang patuloy na pagtulong sa mga biktima, at pag-aalay ng panalangin para sa mga nasawi, kabilang ang mga namatay sa lugar-dalanginan tulad ng mga pagoda at mosque.

Nagpasalamat din ang kapulungan ng mga obispo ng Myanmar sa mga mensahe ng pagsuporta at panalangin mula kay Pope Francis, Vatican Secretary of State Cardinal Pietro Parolin, Dicastery for Evangelization Pro-Prefect Cardinal Luis Antonio Tagle, at Vatican Embassy Charge d’Affaires Msgr. Andrea Ferrante.

Batay sa huling tala, umabot na sa mahigit 2,000 ang nasawi, halos 4,000 ang sugatan, at hindi bababa sa 270 ang nawawala matapos ang mapaminsalang lindol.

Kasabay nito, patuloy pa rin ang digmaan sa Myanmar, na kumitil na ng mahigit 6,000 sibilyan at nagpalikas ng higit tatlong milyong katao.

“Such a ceasefire is imperative to address the immediate need for food, medical supplies, shelter, and protection for those affected by both the earthquake and the prolonged conflict,” ayon sa CBCM.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 110,556 total reads

 110,556 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 248,553 total reads

 248,553 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 364,329 total reads

 364,329 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 480,328 total reads

 480,328 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 243,918 total reads

 243,918 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top