Cebu Archbishop Uy, tiniyak ang pakikilakbay sa 5-milyong mananampalataya sa arkidiyosesis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,709 total reads

Buong kababaang loob na ipinagkatiwala ni Cebu Archbishop Alberto Uy sa Panginoon ang kanyang bagong misyon bilang pastol ng may limang milyong Katoliko sa Arkidiyosesis ng Cebu.

Ayon sa arsobispo, bagamat hindi siya karapat-dapat, sisikapin niyang mapagtibay ang mga gawaing pagpapastol sa gabay ng Panginoon, na siyang nagtalaga sa kanya sa misyon.

“My dear Cebuanos, I cannot promise to be the best Archbishop. But with humility and trust in God, I promise to give you my best—so that together, we may walk closer to Christ, our true Shepherd,” bahagi ng mensahe ni Archbishop Uy.

Batid ng arsobispo ang malaking tungkuling kakaharapin sa pagsisimula ng kanyang misyon, lalo na’t ang Arkidiyosesis ay binubuo ng 173 parokya.

Ayon sa kanya, maaaring hindi kaya ng kanyang sariling kapasidad ang ganitong kalaking responsibilidad, ngunit sa tulong at paggabay ng Panginoon, tiwala itong magtatagumpay sa kanyang bagong misyon.

Hiling ng arsobispo sa mga nasasakupan, lalo na sa mahigit 600 na mga pari ng Arkidiyosesis na magiging katuwang niya sa pagpapastol, na magtulungan upang isulong ang pagbubuklod ng pamayanan, o ang synodality.

Tiniyak ni Archbishop Uy ang kanyang pakikilakbay sa bawat isa, kabilang na ang mga nasa laylayan ng lipunan, mga inaabandona, mga nasa piitan, mga magsasaka, at mangingisda sa malalayong lugar ng Cebu.

“Together, let us build bridges, not walls, and work for the good of every Cebuano,” dagdag ng arsobispo.

Sa kasalukuyang karanasan ng bansa na nababalot ng kawalan ng katapatan at integridad sa pamumuno, sinabi ni Archbishop Uy na pagsusumikapan niyang maging halimbawa at huwarang pastol ng Kristiyanong pamayanan.

“In our country today, people long for leaders who are transparent, accountable, and faithful to their mission. I want to embrace that call in my own life as your shepherd,” giit ng arsobispo.

Naniniwala ang bagong arsobispo na kung maisasabuhay ng mga pastol ng simbahan ang mga itinuturo at ibinabahagi, magkakaroon ng tiwala ang publiko sa pagbabago ng lipunan, sa kabila ng matinding karanasan ng bansa, gaya ng malawakang korapsyon sa pamahalaan.

Samantala, tiniyak naman ni Cebu Archbishop Emeritus Jose Palma ang patuloy na suporta sa bahong arsobispo sa mga gawain ng Arkidiyosesis.

Pinangunahan naman ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang seremonya ng pagluklok kay Archbishop Uy sa cathedra ng Cebu Metropolitan Cathedral.

Dumalo sa pagtitipon sina Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization, na nagbigay ng homiliya sa pagdiriwang; Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula; Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines; at ang mahigit 60 mga obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 11,330 total reads

 11,330 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 239,566 total reads

 239,566 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 133,032 total reads

 133,032 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 227,061 total reads

 227,061 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 270,849 total reads

 270,849 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top