Pinangunahan ng kinatawan ng Santo Papa Francisco na si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang pagdiriwang ng banal na eukaristiya para sa 100 years of Carmelite Presence in the Philippines.
Naganap ang solemn eucharistic celebration sa Jaro Metropolitan Cathedral and National Shrine of Our Lady of Candles kung saan nakatuwang ni Archbishop Brown si Jaro Archbishop Jose Romeo O. Lazo at iba pang mga Obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa.
Ayon kay Archbishop Brown, kahanga-hanga ang ganap na pagsasabuhay ng kongkregasyon sa pananalangin at pagninilay para sa Pilipinas at sa buong daigdig.
Kalakip ng pakikiisa ni Archbishop Brown sa anibersaryo ng presensya ng kongregasyon sa Pilipinas ang pananalangin para sa pagkakaloob ng Panginoon ng biyaya ng bokasyon para sa mga kabataang babae upang maging bahagi rin ng Carmelite Nuns.
“The beautiful Catholicity of the Church which is communion in mission is shown in prayer and contemplation which Carmel in the Philippines offered to the world. We ask the Lord to grant the hearts of young women the vocation to the life of intimacy, contemplation and prayer to be part of the Carmelite Nuns who pray for the world…. The gift of Carmel is a life of intimacy; intimacy in trust, intimacy in contemplation and intimacy in silence.” Ang bahagi ng pagninilay ni Archbishop Brown.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Jaro Archbishop Jose Romeo O. Lazo para sa mahalagang papel na ginampanan ng kongregasyon para sa pananalangin sa ganap na pagsasakatuparan ng Simbahan sa misyon nito sa bansa.
Ayon sa Arsobispo, mahalaga ang naging partisipasyon ng Carmelite Nuns bilang katuwang ng Simbahan sa pananalangin para sa kapakanan ng sangkatauhan.
“For 100 years, your community has been praying for the mission and has accompanied several seminarians and priests. Many of them are present here today to thank you. Like St. Therese of the Child Jesus, you are praying for the mission of the Church.” Ang bahagi ng mensahe ni Archbishop Lazo.
Bilang bahagi ng Centennial Jubilee celebration ng kongregasyon ay una ng ginunita sa Arkidiyosesis ng Jaro ang Carmelite Awareness Sunday noong ika-5 ng Nobyembre, 2023 upang higit na maipalaganap ang bokasyon at pag-aalay ng buhay at sarili sa paglilingkod sa Panginoon.
Bukod sa deklarasyon ng Carmelite Awareness Sunday ay idineklara din ni Archbishop Lazo ang Jaro Carmel bilang isang pilgrimage site kung saan magagawaran ng partial indulgence ang mga bibisita sa Monastery of Our Lady of Mt. Carmel and St. Therese of the Child Jesus sa Jaro, Iloilo City hanggang sa ika-9 ng Nobyembre ng susunod na taong 2024.
Tema ng Centennial Jubilee Celebration ng Carmelite Presence in the Philippines ang ‘Celebrating Carmelite Presence and Sharing the Gift of Prayer’.