Church based-cooperatives, hinamong pangunahan ang pangangalaga sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,972 total views

Inaanyayahan ng Cooperative Development Authority ang mga miyembro ng mga kooperatiba, higit na ang mga church based cooperative na isulong ang pangangalaga sa kalikasan at food security.

Ito ay bilang pakikiisa National Cooperative Month ngayong buong buwan ng Oktubre na ginugunita sa temang “Cooperatives: Pioneering the Path to Recovery Amidst Modern Challenges of Climate Change and Food Security.”

Hinimok ni CDA Chairman Joseph Joy Encabo ang mga miyembro ng church based cooperatives na pangunahan ang pagsusulong ng pagkakaisa upang makamit ang mga layunin ng kooperatiba ngayong taon.

“Sa mga mga kasamahan ko po sa church based cooperatives sa buong bansa magtulungan po tayo at gawin po nating modelo ang ating kooperatiba upang ipagtuguyod at ipakita ang kahalagahan ng ating kalikasan, bigyang solusyon at mga mitigating measures and even mga rehabilitation programs ng ating environment para po ma-address natin at magiging pioneering institutions tayo sa pagbigay ng mga recovery plans, programs and activities para sa ating kalikasan at para sa buong mundo.” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Chairman Encabo.

Naniniwala si Encabo na sa pangangalaga sa kalikasan ay maisusulong ang katiyakan ng pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain sa buong Pilipinas.
Nilinaw ni Encabo na magkaakibat ang pangangalaga sa sa kalikasan at food security dahil naiiwasan ang pagkasira ng pananim at likas na yaman.

“It should be one on this, it should be united and let’s make sure that as we progress with our business, we should also give priority and importance to our environment and for our food security for the next generation so sa lahat po ng ating mga kababayan, mga naniniwala sa kooperatiba, mga kasama sa kooperatiba, lahat ng kooperatiba sa bansa, happy cooperative month.” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Chairman Encabo.

Iniulat ng C-D-A sa paglulunsad ng Cooperative Month na umaabot na sa dalawampung libo at isang daan ang kabuoang bilang ng mga kooperatiba na binubuo ng mahigit na 19-milyong miyembro sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 3,254 total views

 3,254 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 39,044 total views

 39,044 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 80,936 total views

 80,936 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 134,866 total views

 134,866 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 161,642 total views

 161,642 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Simbakuran, inilunsad ng Diocese of Cubao

 8,352 total views

 8,352 total views Inilunsad ng Diocese of Cubao ang “Simbakuran” upang tugunan ang lumalalang kahirapan at laganap na kahirapan. Layon ng Simbakuran na pag-isahin ang mga

Read More »
Scroll to Top