Church choirs, inaanyayahang lumahok sa Himig ng Katotohanan liturgical song writing contest

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,556 total views

Patuloy na inaanyayahan ng Radio Veritas ang koro ng mga parokya sa bansa na lumahok sa Himig ng Katotohanan liturgical song writing contest ng himpilan.

Sinabi ni Radio Veritas President Fr. Anton CT Pascual mahalaga ang pakikiisa ng mga choir sa paglikha ng mga bagong awiting pansimbahan na magagamit sa Banal na Misa.

Alinsunod sa temang “Synodality: Fellowship, Participation and Mission” tutukan sa patimpalak ang apat na processional song sa Banal na Misa ang entrance, offertory, communion, at recessional songs.
12 finalists ang pipiliing isasama sa album production kung saan ito ay makatatanggap din ng cash prizes.

P300, 000 para sa first prize; P150, 000 sa second prize; P75, 000 sa third prize habang ang nalalabing finalists ay makatatanggap ng tig P10, 000 at plaque.

Umaasa si Fr. Pascual na makiisa ang mga Catholic composer at choir sa buong bansa upang makalilikha ng mga awiting makatutulong sa pagpapalalim ng pananampalataya ng mamamayan.

Pinalawig sa September 30, 2023 ang deadline ng pagsumite ng mga entries habang inaasahang sa November 22 ang pagtatanghal kasabay ng kapistahan ni Sta. Cecilia ang pintakasi ng mga musicians at composers.

Kabilang naman sa Board of Judges ng patimpalak sina Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., – chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Social Communication; Fr. Carlo Magno Marcelo, Fr. Nilo Mangusad, Vehnee Saturno, Ferdinand Bautista, Julie Grace Namit, at Lara Maige.

Sa karagdagang detalye makipag-ugnayan kay Renee Jose ng Religious Department ng Radio Veritas sa 0917-631-4589.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 35,067 total views

 35,067 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 63,072 total views

 63,072 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 80,872 total views

 80,872 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 79,406 total views

 79,406 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 189,232 total views

 189,232 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 10,475 total views

 10,475 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top