Critical collaboration ng pamahalaan at simbahan, palalakasin pa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 537 total reads

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Simbahan sa pamahalaan.

Ito ang tiniyak ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Permanent Committee on Public Affairs upang mas mapabuti ang ugnayan ng dalawang institusyon.

Ayon sa Obispo, napakahalagang mapapalakas ang ugnayan ng pamahalaan at Simbahan upang mapanatili ang pagkakaisa ng bansa.

“Magtutuloy-tuloy ang dialouge, kami sa Permanent Committee on Public Affairs ang mag-uugnay sa simbahan at sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.” pahayag ni Bishop Evangelista sa Radio Veritas.

Magugunitang ika – 28 ng Hunyo ng taong kasalukuyan ay nagpulong ang Philippine National Police at ang CBCP para pag-usapan ang pagkakapaslang sa 3 pari ng Simbahang Katolika at ang patuloy na malawakang kampanya kontra iligal na droga kung saan sa tala ng mga human rights group mahigit sa 20 – libo na ang napaslang.

Bukod dito, palalakasin din ang pakikipagtulungan ng Simbahan sa pangunguna ng Military Ordinariate of the Philippines sa mga tagapagpatupad ng batas para mas mapaunlad at maging maayos ang implementasyon ng mga batas sa Pilipinas.

“Ang mga Obispo ng CBCP, kasama ang Military Ordinariate ay patuloy na makikipag-ugnay sa mga nagpapatupad ng batas at sa ngayon ay may ilang mga Chaplains ng PNP na nakikipag-usap sa akin na magkakaroon pa kami ng pagtutulungan para tuloy-tuloy ang internal cleansing ng PNP para lalo pang mapaunlad at maiayos ang mga gawain.” dagdag ng Obispo.

Sa tala mayroong 130 mga Pari na naglilingkod sa PNP at AFP sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Umaasa si Bishop Evangelista na sa pamamagitan ng pagpapaigting sa pagtutulungan ng Simbahan at Pamahalaan ay magkakaroon ng pagkakaisa ang bawat mamamayan tungo sa pag-unlad at pagkamit ng kapaypaan sa bansa.

Una nang binigyang diin sa isang mensahe ng Kaniyang Kabanalang Francisco ang kahalagahan ng pagtutulungan ng lahat ng sektor sa lipunan upang mas lalong maitaguyod ang pagkakaisa ng bawat mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 1,341 total reads

 1,341 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 39,744 total reads

 39,744 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 266,015 total reads

 266,015 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 159,480 total reads

 159,480 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 253,435 total reads

 253,435 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top