CSW, paiigtingin ang pagsusulong sa karapatan ng mga manggagawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,298 total reads

Idinaos ng Church People and Workers Solidarity (CWS) ang general assembly at relaunching ng CWS – National Capital Region (CWS-NCR) sa San Pancracio Parish La Loma cemetery compound Caloocan City.

Tema ng general assembly ay “Mga Taong Simbahan at mga Manggagawa! Magkaisa! Kamtin ang Dignidad sa Paggawa at Karapatan ng mga Obrero”.

Layon nitong muling paigtingin ang pakikiisa ng simbahan sa mga manggagawa sa pagkilos at pananawagan upang makamit ang wastong suweldo, pantay na benepisyo at katarungang panlipunan.

Naihalal sa pagtitipon si Father Noel Gatchalian, Parish Priest ng Christ Risen Lord Parish sa Tondo Manila na bagong Chairman ng CWS-NCR.

“Napag-usapan po namin na pagtibayin ang pagkikiisa ng taong-simbahan sa mga manggagawa at ito po ang relaunching ng CWS-NCR, ibig sabihin matagal po siyang tumigil dahil sa mga repression, ngayon po ay pinagtibay na po namin na itatag itong muli at pagtibayin dito sa Greater Manila,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Gatchalian.

Nanawagan naman ang Pari sa mananampalataya na bukod sa pagdarasal ay makiisa sa mga pagkilos at pananawagan ng mga manggagawa.

Ikinagalak din ni Father Noel ang pakikibahagi ng mga manggagawa mula sa ibat-ibang sektor sa isinagawang general assembly upang ibahagi ang mga saloobin at panawagan sa pamahalaan at higit na sa kanilang mga employers.

Bunsod ng patuloy na pagtaas ng inflation rate na dahilan sa pagbaba ng halaga ng suweldo ng mga manggagawa ay unang isinulong ng ibat-ibang labor groups ang pagtatakda ng nag-iisang national minimum wage sa 33-libong piso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 32,079 total reads

 32,079 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 68,796 total reads

 68,796 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 87,007 total reads

 87,007 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 171,335 total reads

 171,335 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 207,262 total reads

 207,262 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 21,015 total reads

 21,015 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top