Dagdag na proteksyon laban sa COVID-19, huwag ipagsawalang-bahala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,312 total reads

Patuloy ang panawagan ng health care commission ng simbahan para sa pagtangkilik sa COVID-19 vaccination ng pamahalaan sa kabila ng patuloy na pagbuti ng lipunan mula sa pandemya.

Ayon kay Camillian Father Dan Cancino, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care, mahalagang pagtuunan pa rin ang pagkakaroon ng karagdagang proteksyon bagamat lumuluwag na ang mga panuntunan laban sa COVID-19.

“Importante talaga ang bakuna para masigurado ang proteksyon natin laban sa COVID-19. Napatunayan naman ‘yan nitong mga nakaraang taon ng pandemya at dahil d’yan nabawasan ‘yung mga kaso ng malalang sintomas ng virus. Sana, i-avail pa rin natin ang COVID-19 vaccine para sa proteksyon ng ating sarili, pati na rin kapwa natin,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Nabanggit naman ni Fr. Cancino ang ulat ng Department of Health na maraming bakuna ang mag-e-expire ngayong taon at nananatiling nakaimbak sa mga cold storage facilities.

Dahil nabawasan na ang bilang ng mga nagpapabakuna at nagpapa-booster shots ay nanganganib na masayang ang nasa walong milyong COVID-19 vaccines.

Ayon kay Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, ang nasabing bilang ay mula sa higit 15-milyong bakuna na inaasahan ng DOH na mag-e-expire ngayong taon.

Hinihintay naman ng kagawaran ang desisyon ng Food and Drug Administration at mga vaccine manufacturers para sa pitong milyong bakuna na kung maaari pang mapahaba ang “shelf life” nito.

“Tatanggalin natin ‘yung almost 7 million na inaantay pa po natin ang decision ng FDA together with the manufacturers who have applied kung ma-re-re-extend natin ‘yung shelf life nila,” ayon kay Vergeire.

Sa kabuuang bilang, aabot na sa 44-milyon ang nasayang na bakuna sa buong COVID-19 vaccination program ng pamahalaan, kasama na rito ang mga nasirang bakuna sanhi ng sunog, temperatura, mga kalamidad, at iba pang insidente.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 57,814 total reads

 57,814 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 106,930 total reads

 106,930 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 154,802 total reads

 154,802 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 258,749 total reads

 258,749 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 341,939 total reads

 341,939 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 166,770 total reads

 166,770 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top