Reward system ng PNP, kinundena ng isang Senador

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,704 total views

Kinundena ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang naiulat na reward system ng Philippine National Police.

Nabahala si committee chairperson Senator Ronald Dela Rosa sa 30 percent sa mga nakumpiskang droga bilang reward sa informants at assets ng PNP dahil nakasisira ito sa integridad at imahe ng mga pulis.

Unang lumabas ang usaping panunumbalik ng tiwaling pulis at informants laban sa iligal na droga sa pagdinig ng mababang kapulungan sa pangunguna ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers.

“It seems that there are still some who fearlessly destroy the image and integrity of the PNP (Philippine National Police) and PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) to fight against illegal drugs,” ani Dela Rosa.

Mariing itinanggi ng mga opisyal ng PDEA at PNP ang alegasyon sa drug recycling sa halip ay sinabi ni PDEA Director General (DG) Virgilio Lazo ang monetary reward system sa informants.

Nanawagan naman si Senator Raffy Tulfo sa kinauukulang opisyal na buwagin ang reward system sa police assets dahil nakadadagdag ito sa korapsyon at paglaganap ng ipiagbabawal na gamot sa pamayanan.

“The problem with police assets and informants is that they themselves are also criminals. They themselves are at the heart of the syndicates. And we allow our law enforcers to do business with these criminals through reward system,” giit ni Tulfo.

2016 nang pinaigting ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang giyera kontra droga sa pamamagitan ng Oplan Tokhang ni pinamunuan ni Dela Rosa bilang hepe ng PNP.

Una nang nakiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa kampanya kontra droga ng pamahalaan subalit iginiit na dapat idaan sa wastong proseso nang naaayon sa batas.

Tiniyak ng CBCP prison ministry ang pagpapaigting sa mga programa sa loob ng piitan upang masugpo ang paglaganap ng iligal na droga sa mga person deprived of liberty sa halip ay palalakasin ang livelihood training na makatutulong sa kanilang pangangailangan habang nasa loob ng mga bilangguan sa bansa.

 

 

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 12,227 total views

 12,227 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 45,309 total views

 45,309 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 73,660 total views

 73,660 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 141,390 total views

 141,390 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 163,562 total views

 163,562 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top