Davao region Bishops, nagpahayag ng suporta na gawing mining free zone ang Davao Oriental

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 901 total reads

Suportado ng mga obispo ng Davao Region ang panukalang ideklara ang buong lalawigan ng Davao Oriental bilang mining-free zone.

Layunin ng House Bill 1124 na ipagbawal sa Davao Oriental ang operasyon ng large at small-scale mining kabilang na ang quarrying.

Kabilang sa mga sumuporta sa nasabing panukala sina Davao Archbishop Romulo Valles; Davao Auxiliary Bishop George Rimando; Digos Bishop Guillermo Afable; Tagum Bishop Medil Aseo; at Mati Bishop Abel Apigo.

Ayon sa mga obispo, hindi kaya ng kanilang mga konsensya na suportahan at pahintulutan ang mga mapaminsalang gawain sa ngalan ng sangnilikha ng Diyos.

“In this sacred and morally-binding context, we express our hope, our plea, indeed, our demand, that we all should care for the environment from which we derive our existence,” bahagi ng pinagsama-samang pahayag ng DaDiTaMa Bishops.

Batay sa ulat ng Department of Environment and Natural Resources-Mines and Geosciences Bureau (DENR-EMB), nasa 39 mining permits ang ipinagkaloob sa ilang kumpanyang sumasakop sa halos 60-libong ektarya at inaasahang magmimina ng tone-toneladang nickel, copper, gold, at chromite.

Gayunman, bagamat itinuturing na makakatulong sa ekonomiya ng bansa, iginiit ng mga obispo na hindi pa rin matutumbasan ng kikitain sa pagmimina ang panganib at pinsalang dulot nito sa kalikasan at apektadong pamayanan.

“We amplify the call for the communities affected by mining to stand our ground in defense of our common home. As stewards of the environment, we should be acting as keepers of our common home,” ayon sa pahayag.

Matatagpuan sa Davao Oriental ang Mount Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary na idineklara bilang UNESCO heritage site, at ang protected seascape ng Pujada Bay, maging ang umuunlad na pamana at tradisyon ng mga katutubong Mandaya at Mansaka.

Sang-ayon sa ensiklikal na Laudato Si, mariing tinututulan ng ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mining industry sapagkat nag-iiwan lamang ito ng labis na pinsala at paghihirap sa mga komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 51,479 total reads

 51,479 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 88,499 total reads

 88,499 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 123,798 total reads

 123,798 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 350,068 total reads

 350,068 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 240,516 total reads

 240,516 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,130 total reads

 154,130 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top