DENR Regional Director Tamoria, pinapasibak sa puwesto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 801 total reads

Hindi ikinatuwa ng Masungi Georeserve Foundation ang kumakalat na maling balita hinggil sa Masungi Georeserve project.

Ayon kay Billie Dumaliang, Advocacy Officer at Trustee ng grupo, hindi tamang gamitin sa pagpapakalat ng ‘fake news’ ang mga official social media pages ng pamahalaan tulad ng isang post ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) – Calabarzon.

Nakasaad dito na mayroong mga ‘lehitimong residente’ sa kinasasakupan ng Masungi sa Baras, Rizal ang naghain ng petisyon upang patigilin ang Masungi Geopark Project.

Nilinaw ni Dumaliang na wala itong katotohanan at ito’y paninira mula sa mga may-ari at empleyado ng mga nakatayong resort sa bahagi ng Masungi.

“Nakakagalit at nakakahiya na ginagamit yung opisyal na resources o page ng ating gobyerno para magkalat ng fake at misleading news. Basically, they are spreading the propaganda ng mga violators at mga may-ari ng ilegal na resort sa ating Marikina watershed,” pahayag ni Dumaliang sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi ni Dumaliang na ang nasabing mga resort ay binigyan na rin ng cease and desist order mula sa lokal na pamahalaan ng Baras at mismong DENR, gayundin ang mga nakasampang kaso mula sa Provincial Prosecutor.

Maging ito ay napansin na rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at napag-alaman ang mga paglabag sa environmental laws at paulit-ulit na ilegal na gawain sa loob ng Masungi Georeserve.

“Talagang questionable na ‘yung nangyayari dito kaya hinihiling na ng mga concerned citizens ‘yung imbestigasyon at resignation nitong DENR Regional Director Nilo Tamoria,” ayon kay Dumaliang.

Nananawagan naman ang grupo sa publiko na maging mapagmatyag sa anumang mga ilegal na gawaing patuloy na nangyayari sa loob ng protected watershed.

“Kung pababayaan natin itong mga violator at mga kasabwat nila sa gobyerno na magpatuloy, tayo rin ang mapapahamak, tayo rin ang masasaktan,” panawagan ni Dumaliang.

Nakasaad sa Laudato Si’ ni Pope Francis na mahalaga ang pagiging mapagmatyag ng komunidad upang matiyak na wasto at may moral na pamantayan ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga batas na nangangalaga sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 86,155 total reads

 86,155 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 120,065 total reads

 120,065 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 155,364 total reads

 155,364 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 381,634 total reads

 381,634 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 270,488 total reads

 270,488 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,396 total reads

 155,396 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top