Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese ng Cubao, naglabas nang panuntunan sa pagdiriwang ng Mahal na Araw

SHARE THE TRUTH

 69,351 total views

March 26, 2020-2:18pm

Naglabas na ng guidelines ang Diyosesis ng Cubao kaugnay sa nalalapit na mga Mahal na Araw, habang patuloy na umiiral ang Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila dahil sa pandemic na Coronavirus Disease.

Magiging simple ang lahat ng selebrasyon ng mga banal na misa at mananatili itong pribado, o hindi bukas sa pakikilahok ng publiko.

Sa Lingo ng palaspas ay magkakaroon ng online mass, mula dito isasagawa ang virtual blessing, maaaring hawakan ng mga mananampalataya ang kanilang palaspas o anu mang sanga na mayroong dahon habang dinarasal ang pagbabasbas sa mga palaspas.

Sa Huwebes Santo, kanselado ang Chrism Mass sa diyosesis dahil ito ay pagtitipon ng maraming mga pari.

Isasagawa pa rin ang Misa ng Huling Hapunan subalit wala na ang pag-alala sa paghuhugas sa mga paa ng mga apostol at inalis na rin ang pagpuprusisyon ng Banal na Sacramento.

Ipagbabawal naman sa Biyernes Santo ang pahalik sa Krus na karaniwang ginagawa taun-taon.

Ililipat naman sa oras na alas-5:30 ng hapon mula sa karaniwang alas-9 ng gabi ang pagdiriwang ng Misa ng Sabado de Gloria o ang Easter Vigil upang hindi ito abutan ng curfew ng alas-8 ng gabi, aalisin na din ang pagbabasbas ng apoy at sa halip ay sisindihan na lamang ang paschal candle.

Ipinaliwanag ng Diyosesis na ang mga gawain sa mga Mahal na Araw ay mahalaga at hindi ito maaaring mawala, gayunman nauunawaan ng simbahan ang kasalukuyang sitwasyon kung saan mahalagang isaalang-alang ang kaligtasan at kabutihan ng mas nakararami.

Ang Diyosesis ng Cubao ang isa sa nakasasakop sa lungsod ng Quezon City kung saan mayroong pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Pinagsisikapan naman Diocese of  Cubao na pag-ibayuhin ang paghahatid ng online spiritual services sa mga mananampalataya sa pamamagitan social media.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 14,231 total views

 14,231 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 43,767 total views

 43,767 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 64,494 total views

 64,494 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 72,754 total views

 72,754 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 90,850 total views

 90,850 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 88,688 total views

 88,688 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Latest News
Veritas NewMedia

PASTORAL INSTRUCTION: MOVING FORWARD

 117,078 total views

 117,078 total views PASTORAL INSTRUCTION: MOVING FORWARD   My dear people of God in the Archdiocese,   We, in the NCR, are now placed under General

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top