Diocese of Balanga, naninindigan laban sa BNPP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 713 total reads

Naninindigan ang Diyosesis ng Balanga laban sa planong buhayin ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) bilang tugon sa krisis sa enerhiya ng bansa.

Ayon kay Bishop Ruperto Santos, nananatiling matatag ang paninindigan ng diyosesis upang tutulan ang operasyon ng B-N-P-P.

“Our pastoral statement of no to BNPP rehabilitation stands,” mensahe ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ng Obispo na hindi ganap na matutugunan ng nuclear plant ang pangangailangan sa kuryente ng bansa at magdudulot lamang ng panganib sa kalusugan ng tao at kalikasan.

Naunang napag-alaman sa feasibility study ng Korea Electric Power Corporation na ang rehabilitasyon sa BNPP ay maaaring gumastos ng humigit-kumulang $1-bilyon sa loob ng apat hanggang limang taon.

Iginiit ni Bishop Santos na ang ilalaang $1-bilyong pondo ay masasayang din lamang para sa rehabilitasyon ng nuclear power plant.

Iminungkahi ng Obispo na makabubuting gamitin na lamang ang pondo bilang puhunan para sa renewable energy resources tulad ng solar, hydropower, wind energy, at iba pa na ligtas at abot-kaya para sa lahat.

“They should focus on renewable energy, like windmills in Ilocos Norte. So, why not promote that?,” giit ni Bishop Santos.

Ang BNPP ang pinakauna at nag-iisang nuclear power plant sa bansa na magpahanggang ngayon matapos itayo sa ilalim ng rehimeng Marcos noong 1984 sa halagang $2.3 bilyon ay hindi pa nagagamit.

Hindi natuloy ang pagbubukas nito dahil sa mga usapin tungkol sa katiwalian at kaligtasan, na nadagdagan pa ng pangamba kasunod ng naganap na sakuna sa Chernobyl Nuclear Power Plant sa Ukraine noong 1986.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 88,836 total reads

 88,836 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 122,456 total reads

 122,456 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 157,755 total reads

 157,755 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 384,025 total reads

 384,025 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 272,775 total reads

 272,775 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,505 total reads

 155,505 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top