Diocese of Kabankalan, nagpapasalamat sa Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 671 total reads

Pinasalamatan ni Kabankalan Bishop Louie Galbines ang Caritas Manila hinggil sa paunang tulong para sa mga biktima ng Bagyong Odette sa lalawigan ng Negros.

Ayon kay Bishop Louie Galbines, malaking tulong ito ng social arm ng Simbahan upang patuloy na matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga higit na apektado ng sakuna.

“Salamat sa Caritas Manila, salamat sa inyong lahat. Alam namin na and’yan kami sa inyong puso at tsaka nagpapasalamat kami sa Diyos na talagang nag-reach out kayo sa amin. Ang laki-laking tulong na nito. Maraming matutulungan dito,” bahagi ng pahayag ni Bishop Galbines sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi pa ni Bishop Galbines na higit ding pangangailangan sa Negros ang pagkain at tubig, maging ang damit at masisilungan dahil lubhang napinsala ng bagyo ang maraming bahay.

Dagdag pa ng Obispo na magpahanggang ngayon ay wala pa ring linya ng komunikasyon sa buong lalawigan, lalo na ang suplay ng kuryente.

“‘Yun po ang situation ngayon mahirap sa mga tao dahil naghahanap sila ng pagkain at tubig, pati communication po wala. Electricity wala pa rin, three months o two months pa yata makakabalik,” ayon sa Obispo.

Bukod sa tulong, panawagan din ni Bishop Galbines ang panalangin para sa patuloy na kaligtasan ng mga nasalanta ng Bagyong Odette.

Isa ang Diyosesis ng Kabankalan sa limang benepisyaryong diyosesis na tumanggap ng paunang tulong mula sa Caritas Manila na nagkakahalaga ng P500,000.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 86,318 total reads

 86,318 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 163,946 total reads

 163,946 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 197,394 total reads

 197,394 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 232,692 total reads

 232,692 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 455,827 total reads

 455,827 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,988 total reads

 157,988 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top