Diocese of Mati, ramdam ang lakas ng 5.6 magnitude na lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 761 total views

Walang naitalang pinsala at nasaktan sa naganap na magnitude 5.6 earthquake sa Davao Oriental kaninang alas-3:19 ng madaling araw.

Ayon kay Diocese of Mati Bishop Abel Apigo, bagamat may kalakasan ang pagyanig ay wala namang naging pinsala sa katedral at mga parokyang sakop ng diyosesis.

“Medyo malakas ‘yung lindol kanina pero safe naman kami dito sa Diocese. Kinamusta ko rin ‘yung ibang parokya at sabi nila wala namang naging damages sa mga simbahan at iba pang buildings,” pahayag ni Bishop Apigo sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang epicenter ay nasa 51 kilometro timog-silangan ng Manay, Davao Oriental.

Tectonic naman ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 20 kilometro.

Babala ng ahensya na asahan ang posibleng epekto ng aftershocks anumang oras.

Dalangin naman ni Bishop Apigo ang patuloy na kaligtasan ng bawat isa sa mga nagaganap na sakuna sa kapaligiran lalo na ang mga lubhang naapektuhan ng magnitude 7.3 earthquake sa Northern Luzon noong nakaraang linggo.

“Patuloy nawa tayong gabayan at iligtas ng Panginoon sa mga ganitong uri ng sakuna lalong lalo na sa mga naapektuhan ng paglindol sa Northern Luzon. Mahanap nila muli ang liwanag ng pag-asa mula sa mga kinakaharap na pagsubok,” panalangin ni Bishop Apigo.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 410 ang kabuuang bilang ng mga nasaktang indibidwal sa naganap na paglindol habang 10-katao naman ang nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 13,394 total views

 13,394 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 43,617 total views

 43,617 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 70,268 total views

 70,268 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 165,241 total views

 165,241 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 185,680 total views

 185,680 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top