Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Romblon, nagalak sa pagpapahinto ng mining operations ng APMC

SHARE THE TRUTH

 1,556 total views

Nagagalak ang Diocese of Romblon sa kinalabasan ng mapayapang pag-uusap sa pagitan ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) at anti-mining groups hinggil sa pagmimina sa Sibuyan Island.

Kasunod ito ng kusang-loob na paghinto ng APMC sa kanilang mining operations sa Sibuyan bilang pagtalima sa panawagan ng mga apektadong residente.

Ayon kay Romblon Social Action Director Fr. Ric Magro, nangangahulugan ito na naging malinaw at iginagalang ng mining company ang mga napagkasunduan sa naganap na pagpupulong hinggil sa ilegal na pagmimina sa Sibuyan.

“Thru the peace process at peace panel na nangyari sa Sibuyan Island, nagkasundo po ang lahat, together with Altai Philippines and anti-mining groups na i-respeto ang anumang naging desisyon, at they are very responsive naman sa nangyari,” bahagi ng pahayag ni Fr. Magro sa panayam ng Radio Veritas.

Nangako naman ang Diocese ng Romblon na patuloy na makikipagtulungan para sa pagsasaayos ng proseso laban sa pagmimina, gayundin sa pagpapanatili ng kaayusan sa sa Sibuyan Island.

Paalala ni Fr. Magro sa mga grupong laban sa pagmimina na patuloy lamang na maging mapagmatyag sakaling muling magsagawa ng operasyon ang APMC sa kabila ng suspension order.

“Ang Altai Philippines, since meron tayong Notice of Violation ay titigil sa kanilang operasyon para walang giriian na mangyayari. They must have to follow kung ano ‘yung pinadala sa kanila na suspension order,” ayon kay Fr. Magro.

Dagdag pa ng pari na katulad nang naunang pahayag, mananatili ang paninindigan ng Diyosesis na pangalagaan ang nag-iisang tahanan at akayin ang mga mananampalataya na maging mabubuting katiwala ng sangnilikha ng Diyos.

Pebrero 6 nang maglabas ng pahayag ang APMC at inanunsyo ang ‘voluntary halt’ ng kanilang exploration activity sa Sibuyan Island.

Kasunod rin ito ng cease and desist order ng Department of Environment and Natural Resources dahil sa mga paglabag ng mining company sa proseso at batas na nangangalaga sa kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 7,472 total views

 7,472 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

May magagawa tayo

 27,396 total views

 27,396 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »

Transport Reforms

 33,441 total views

 33,441 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 41,971 total views

 41,971 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 49,861 total views

 49,861 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top