Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,320 total reads

Kapanalig, opisyal na datos na mismo ang nagsasabi sa atin na hindi sapat ang economic growth upang maiangat tayong lahat sa kahirapan. Kailangan ang paglago ng ekonomiya na ito ay “inclusive, sustainable, and with productive employment opportunities.” Kailangang dama ng lahat ang paglago ng ekonomiya. Madadama lamang ito kung may disenteng trabaho ang bawat mamamayang Pilipino.

Kaya lamang, mukhang malabong makalalampas tayo ng karalitaan sa nalalapit na hinaraharap. 40 percent ng ating trabaho sa bansa ay sinasabing “vulnerable.” Ano nga ba ang vulnerable work at sino nga ba ang mga vulnerable workers?

Ang vulnerable work ay mga trabahong walang kasiguraduhan at halos walang bayad, Ang mga vulnerable workers ay yaong mga nagtatrabaho bilang self-employed workers na walang bayad, o mga walang bayad na kasapi ng pamilya na nagtatrabaho sa mga negosyo o silang mga tinatawag na mga contributing family workers.

Tatlo sa limang vulnerable workers ay lalake at karamihan nasa edad 24 hanggang 54. Pito sa sampung vulnerable workers ay may asawa. Karamihan sa kanila ay nasa agriculture o services sector. Sobra sa kalahati sa bilang ng mga vulnerable workers ay mga part-timers lamang. Mabagal din ang pagtaas ng sweldo o kita sa kanilang hanay.

Ang pagiging bulnerable kapanalig, ay mahirap. Hindi mo sigurado kung hanggang kailan ang iyong kita. At kahit pa maliit pa ito at hindi sapat, napakahalaga parin nito para sa survival o pamumuhay ng iyong mag-anak.

Kadalasan, kapanalig, halos walang dignidad ang vulnerable work. Mahirap ang trabaho, ngunit halos walang balik. Hindi pa dumarating ang sweldo , nautang mo na ito. Ano nga bang nararapat gawin para maka-ahon naman sa hirap ang ating mga vulnerable workers?

Kapanalig, baka kailangan tingnan naman ng ating mga pinuno ang mga polisiyang sumasakop sa mga vulnerable workers. Makatarungan ba ang mga ito? Pinahihintulutan ba nitong makamit ng ordinaryong manggagawa hindi lamang ang lahat ng kanyang karapatan, kundi ang kaganapan niya bilang taong may angking dignidad?

Paalala ng dating Pope Benedict sa Sacramentum Caritatis: Ang trabaho ay napakahalaga sa kaganapan ng tao at sa pagsulong ng lipunan. Ito ay dapat maisaayos at mapatakbo ng may malalim na pag-galang sa dignidad ng tao.

Kapanalig, kalampagin din natin ang pamahalaan ukol sa isyu na ito. Ang disenteng trabaho ay isang mahalagang isyu ng ating bayan ngayon, at maari rin itong maging tugon sa iba pang mga problema ng bansa, hindi lamang ng kahirapan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 48,540 total reads

 48,540 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 135,041 total reads

 135,041 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 178,078 total reads

 178,078 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 227,837 total reads

 227,837 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 386,879 total reads

 386,879 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MAHIYA NAMAN KAYO

 48,541 total reads

 48,541 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 135,042 total reads

 135,042 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 178,079 total reads

 178,079 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 227,838 total reads

 227,838 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »
Scroll to Top