Diyosesis ng Bayombong, muling nanawagan ng panalangin para sa kagalingan ni Bishop Mangalinao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,998 total views

Muling nanawagan ng panalangin ang Diyosesis ng Bayombong para sa kaligtasan at kagalingan ni Bishop Jose Elmer Mangalinao.

Ito’y makaraang isugod sa Cardinal Santos Medical Center ang Obispo dahil sa pag-uubo at bahagyang paninikip ng dibdib.

Sa kasalukuyan, maayos na ang kondisyon ni Bishop Mangalinao at nagpapahinga muna dahil muli itong isasailalim sa coronary artery bypass graft surgery sa susunod na linggo.

Nakikiusap naman si Fr. Roberto Oliveros, Jr., chancellor ng diyosesis na iwasan ang pagbabahagi ng mga hindi opisyal na ulat kaugnay sa kalagayan ni Bishop Mangalinao upang maiwasan ang pagkabahala ng publiko.

“Let us be one in prayer for our bishop’s full and fast recovery through the intercession of Our Blessed Mother Mary and St. Dominic, the patron of our Diocese,” pahayag ni Fr. Oliveros.

Nagpapasalamat naman si Bishop Mangalinao sa mga patuloy na nag-aalay ng panalangin para sa kanyang agaran at tuluyang paggaling.

“At this time, I am more prepared for any eventuality… Thanks for the prayer that heals and saves. I do the same for you,” ayon kay Bishop Mangalinao.

Matatandaang Setyembre 2022, nang atakihin sa puso si Bishop Mangalinao habang nasa Estados Unidos para sa Mission Appeal at iba pang mahalagang gawain, at matagumpay na sumailalim sa bypass operation.

Si Bishop Mangalinao ay ang kasalukuyang chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Suriin ang panawagan ng protesta

 19,575 total views

 19,574 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 114,633 total views

 114,632 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 136,696 total views

 136,695 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 151,953 total views

 151,953 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 156,723 total views

 156,723 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top