Paigtingin ang buhay pananampalataya, panawagan ng CBCP sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,189 total reads

Nanawagan ang opisyal ng Office on Stewardship ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mananampalataya na paigtingin ang buhay panalangin.

Ito ang apela ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa pagsisimula ng Panahon ng Kuwaresma nitong February 22 sa paggunita ng Miyerkules de Ceniza.

Ayon sa obispo nararapat maging bukas ang tao sa presensya ng Panginoon sa pananalangin na bukod tanging paraan sa pakikipag-ugnayan.

“Mas magbigay ng panahon para sa dasal upang pagnilayan ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus,” mensahe ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Tinukoy ng opisyal ang pagbabasa ng Bibliya, pag-awit ng Pasyon at pagdarasal sa Daan ng Krus ang ilan sa mga dasal na maaring gawin ng tao sa 40 araw na paghahanda.

Binigyang diin ni Bishop Pabillo na bahagi ng penitensyang gagawin ang pag-iwas sa nakaugaliang gawain tulad ng labis na paggamit ng cellphone at social media, panunuod ng telebisyon, at iba pang gawain na naging hadlang sa buhay espiritwal ng tao.

Hinimok din ng obispo ang mananampalataya na mag-ayuno at magkawanggawa sa kapwa bilang pakikiisa sa pamayanang kristiyano sa mahalagang pagdiriwang.

“Sa pagpepenitensya natin, sana makinabang din ang iba. Kaya sa pag-aayuno ngayong araw, magbigay tayo sa FAST TO FEED,” ani ng obispo.

Ang Fast to Feed ng Hapag-Asa ay gawain ng simbahang nagpapakain lalo na sa malnourished na kabataan sa bansa na ayon sa UNICEF ay nasa 33 porsyento sa kabuuang bilang ng mga kabataan.

Bukod pa rito ang Alay Kapwa kung saan naglilikom ng pondo ang simbahan para sa mga mamamayang maapektuhan ng ibat ibang uri ng kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 14,326 total reads

 14,326 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 120,574 total reads

 120,574 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 206,684 total reads

 206,684 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 276,816 total reads

 276,816 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 309,839 total reads

 309,839 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top