Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

E-wallet service providers, hinamon ng Obispo na alisin ang access sa online gambling

SHARE THE TRUTH

 10,366 total views

Hinamon ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang lahat ng electronic wallets o e-wallet service provider sa Pilipinas na ipagbawal ang mga cash transactions sa lahat ng online gambling sa buong bansa.

Ito ay kasunod ng hakbang ng nangungunang e-wallet na GCASH at Pay Maya kung saan ipinagbawal na ang anumang online gambling money transfer at transaction simula August 16.
Ikinababahala ng Obispo na sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya ay nagsulputan din ang mga e-wallets sa Pilipinas kaya’t may pamamaraan pa rin ang mga nalulong sa online gambling na makapaglipat ng kanilang pera upang makapaglaro.

“Kasi ito ay nakakasira sa mga tao, lalo na sa mga kabataan at mahihirap, so yan po ay isang bold move pero hindi po sapat, ang hinihingi po natin sa lahat ng e-wallets na ipagbawal ang online gambling,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Aminado si Bishop Pabillo na isang bold move ang ginawa ng ilang e-wallets service provider pero hindi ito sapat upang masawata ang online gambling.

Panawagan at hamon ni Bishop Pabillo sa pamahalaan at mga mambabatas na tuluyang ipagbawal ang online gambling sa Pilipinas na itinuturing na bagong salot sa Lipunan.

“Okay naman yung pagbabawal sa anumang online gambling transaction, pero hindi sapat ito-hindi sapat, kasi ang gusto natin, ipagbawal sana ng lahat ng mga e-wallets, alam po natin na ang GCASH, isa lamang sa mga e-wallets dahil marami pang mga ibang e-wallets, dapat ang polisiya sa gobyerno, talagang wala ng online gambling,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Naunang kinilala ni CBCP President Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang hakbang ng Bangko Sentral ng Pilipinas na i-regulate ang access ng online gambling sa mga e-wallet provider.
Gayunman, nanindigan si Cardinal David na hindi sapat ang hakbang ng BSP kayat muli itong nanawagan sa pamahalaan na tuluyang ipagbawal ang online gambling sa bansa.

Ayon sa datos ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), umabot sa 32 milyong Pilipino ang aktibong nakilahok sa online gambling mula January hanggang May 2025 na katumbas ng 291% na pagtaas kumpara noong nakaraang taon.

iniulat ng Recovering Gamblers of the Philippines na 80% ng kanilang mga pasyente sa rehabilitation center ay nabiktima ng online gambling, na hindi lamang nagdulot ng pagkalugi ng pera o kita kundi nagbunga rin ng depresyon at pagkawasak ng buhay, pamilya, at relasyon sa kapwa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAN ON ONLINE GAMBLING

 38,010 total views

 38,010 total views Ipagbawal ang online gambling? Malabo., malayo pa ito sa katotohanan., hindi ito mangyayari! Sa kabila ng malakas na sigaw ng simbahan, mga mambabatas,

Read More »

IN AID OF SECRECY

 55,805 total views

 55,805 total views Sa kanyang ikaapat na SONA, nagalit ang pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang masaksihan sa mga evacuation center ang naglilimahid at nakakaawang sitwasyon ng

Read More »

CLIMATE INJUSTICE

 68,338 total views

 68,338 total views Kapanalig, ang climate injustice ay matagal ng pinapasan ng mga mahihirap na bansa katulad ng Pilipinas. Sa encyclical na “Laudato Si’, Ang sangkatauhan

Read More »

Promotor ng sugal

 84,288 total views

 84,288 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

OPNE, nagpapasalamat sa tagumpay ng PCNE 11

 17,749 total views

 17,749 total views Nagpapasalamat ang Office of the Promotion on New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila sa lahat ng Parokya, Donors, Benefactors, Volunteers at Partnered

Read More »

Senado, kinundena ng BIEN

 20,677 total views

 20,677 total views Kinundena ng BPO Industry Employees Network (BIEN) ang naging hakbang ng Senado na pigilan ang pagpapatuloy ng impeachment case laban kay Vice-president Sara

Read More »
Scroll to Top