Education stakeholders, inaanyayahan sa CEAP Special Learning Sessions

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,702 total reads

Inaanyayahan ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang mga school leaders, administrators, guro, at iba pang education stakeholders na makibahagi sa nakatakdang CEAP Special Learning Session 38.

Tema ng nakatakdang gawain ang “LGU Threads: LGU as Champions of Educational Change” na isasagawa sa Hulyo 23, 2026, mula 2:00 hanggang 4:00 ng hapon sa pamamagitan ng Zoom.

Kabilang sa inaasahang magiging tagapagsalita sa nakatakdang online learning session si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na siya ring founding convenor ng Mayors for Good Governance (M4GG).

Layunin ng online learning session na talakayin ang kahalagahan na maging katuwang ang mga Local Government Units (LGUs) sa pagpapalakas ng educational governance, pagsusulong ng inobasyon, at paglikha ng pangmatagalang positibong pagbabago para sa mga mag-aaral at komunidad.

“Join us for CEAP Special Learning Session 38: “LGU Threads: LGU as Champions of Educational Change” on 23 July 2026 (Thursday), 2:00-4:00 PM via Zoom. Together, we’ll explore how meaningful collaboration between schools and LGUs can strengthen educational governance, inspire innovation, and create lasting positive change for our learners and communities. We warmly invite school leaders, administrators, teachers, and all education stakeholders to be part of this enriching conversation.” Bahagi ng paanyaya ng CEAP.

Ayon sa CEAP, bibigyang-diin sa pagtitipon ang kahalagahan ng matibay na ugnayan sa pagitan ng mga paaralan at lokal na pamahalaan upang higit na mapaunlad ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Maaaring magparehistro ang mga interesadong kalahok sa pamamagitan ng online registration form ng CEAP bago ang itinakdang petsa ng aktibidad.
Nagpahayag naman ang samahan ng pag-asang makasama ang mas maraming education stakeholders sa makabuluhang talakayan para sa kinabukasan ng edukasyon sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 4,251 total reads

 4,251 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 42,198 total reads

 42,198 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 96,036 total reads

 96,036 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 159,488 total reads

 159,488 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 227,270 total reads

 227,270 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top