Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

EHEF, ilulunsad sa buwan ng Nobyembre 2022

SHARE THE TRUTH

 437 total views

Muling ilulunsad ng Delegation of the European Union sa Pilipinas ang European Higher Education Fair (EHEF) para hikayatin ang mga Pilipinong mag-aral sa iba’t-ibang kolehiyo at unibersidad sa mga bansang kasapi ng EU.

Bilang pagdiriwang sa European Year of Youth 2022 tampok sa EHEF ang temang ‘Youth for Excellence and Innovation’ bilang pagbibigay halaga sa tungkulin ng mga kabataan sa pag-unlad ng lipunan.

“This is to highlights the important role of young people in advancing education, science and research to build a better future – greener, more inclusive and digital,” bahagi ng pahayag ng EU.

Sa pamamagitan ng EHEF ay matutulungan ang mga Pilipinong estudyante, guro, mananaliksik at maging mga kawani ng iba’t ibang unibersidad sa bansa na maipagpatuloy ang paghuhubog sa mga world class higher education institutions sa European Union member States.

Sa ginanap na press conference ng EU Delegation sa Shangrila Plaza sa Mandaluyong City nitong October 27, 2022 ibinahagi ng mga Erasmus Alumni at iba pang scholarship program ng EU ang kanilang karanasan sa pag-aaral sa mga unibersidad sa Europa.

Kabilang sa nagbahagi si Georcelle Dapat-Sy o Teacher Georcelle ng G-FORCE na binigyang diin ang kahalagahan ng edukasyon sa paglinang ng kaalaman gayundin ang karanasan sa iba’t ibang kultura at tradisyon sa Europa.

Gaganapin ang European Higher Education Fair sa November 18 at 19 sa Shangri-La Plaza Atrium kung saan mahigit sa 90 higher education institutions ang makikilahok mula sa bansang Belgium, Czech Republic, Germany, Ireland, Spain, France, Italy, Hungary, Netherlands, Poland, Austria, Finladn, at Sweden.

Ayon kay EU Charge de Affaires Dr. Ana Isabel Sanchez Ruiz magandang pagkakataon itong mas lumawak ang kaalaman na makatutulong para sa pagpapaunlad ng sarili at sa pamayanan.

Sa mga nais dumalo sa EHEF, maaring magprehistro sa ehefphilippines.com o bisitahin ang EHEF Philippines sa Facebook, Instagram at Twitter para sa karagdagang detalye.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 7,138 total views

 7,138 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 15,454 total views

 15,454 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 34,186 total views

 34,186 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 50,692 total views

 50,692 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 51,956 total views

 51,956 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 1,135 total views

 1,135 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top