2,078 total views
Nagpahayag ng pakikiisa ang simbahang katolika sa pagdiriwang ng mga Muslim ng Eid’l Fitr- ang hudyat nang pagtatapos ng Ramadan-ang pinakabanal na buwan sa pananampalatayang Islam.
Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, nawa ang nagdaang Ramadan ay naging pagkakataon para sa lahat sa pagtitika at pag-aayuno bilang pagpapasalamat sa Panginoon.
“Salamat sapagkat sa pagdiriwang na ito, tayo po ay hinihikayat ưpang maging “peace-builders” at maging charitable to the needy. Magkakaisa po tayo upang magawa áng mga adhikain sa Maykapal na tayo ấy magkakaroon ng kapayapaan at tayo ấy magiging generous sa ating mga mahihirap na mga kapatid. Inshala!,” ang mensahe ni Archbishop Jumoad
Umaasa din ang arsobispo na nawa ay maging daan ang banal na buwan ng Ramadan sa pagninilay para sa kabutihan ng higit na marami.
Gayundin ang pagsisikap ng bawat isa na magsilbing tagapapamayapa at pagkakawanggawa lalo na sa mga nangangailangan.
Ipinapaabot naman ni House Speaker Martin Romualdez ang pakiisa sa pagdiriwang.
Ayon sa mambabatas nawa’y biyayaan ang bawat isa at kanilang pamilya ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at kaunlaran, gayundin ang pananaig ng kapayapaan.
Binigyan diin pa ni Romualdez ang pagkilala at paggalang sa pagkakaiba-iba mga paniniwala sa relihiyon ay nasasaad sa Konstitusyon.
“We view this diversity not as an obstacle to development, but rather as a potent moving force for all of us to contribute to nation-building in our own way, according to our respective religious beliefs,” ayon pa sa mensahe ni Romualdez.
Umaasa din ang pinuno ng Mababang Kapulungan sa mamamayan, maging anuman ang pananampalataya na patuloy sumulong tungo sa pag-unlad bilang isang bansa.
Sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) tinatayang may higit sa anim na milyon bilang ng mga Muslim sa Pilipinas mula sa kabuuang 110 milyong populasyon ng bansa.