El Nino

 224 total views

Kapanalig, may banta na naman ng El Nino sa ating bayan. Handa ba tayo?

Ang laki ng implikasyon nito sa maraming aspeto ng ating bansa. Kapag may El Nino,  tiyak na maapektuhan ang sektor ng agrikultura pati na ang katiyakan sa pagkain ng sambayanan.

Noong 2019, halos walong bilyon ang inabot na pinsala ng el Nino sa agrikultura ng bayan. Maraming taniman ang natuyo, maraming rice crops ang nasayang. Lubhang bumaba ang produksyon ng sektor at napakaraming magsasaka ang naghirap.

Sa mga urban areas naman, kakulangan sa tubig ang isa sa naging malubhang epekto nito. Dahil sa halos walang ulan noong panahon ng El Nino noong 2019, bumaba ang antas ng tubig sa Angat Dam, na siyang pangunahing source ng water ng Metro Manila. Nagkaroon ng mas madalas na water supply disruption dahil dito.

Ngayong hinaharap pa natin ang epekto ng pandemya habang ramdam ang iba pang epekto ng climate change, anong paghahanda ang ginagawa ng ating pamahalaan para sa napipintong El Nino?

Isa sa mga aksyon ng kasalukuyang administrasyon ay ang pagtatag ng Water Resource Management Office upang harapin ang mga problema ukol sa kakulangan sa tubig, may El Nino man o wala. Maaaring mabuting hakbang ito tungo sa tamang direksyon, ngunit kailangan nito mapabilis pa ang aksyon dahil unti unti ng mararamdaman ang epekto ng El Niño, at maaaring mas malubha ang epekto nito sa mga mahihirap na sektor, na hindi pa nga makagulapay sa epekto ng pandemya.

Ang kakulangan din ng tubig ay malaki ang implikasyon sa laban natin sa pandemya at ano pa mang sakit na maaaring umusbong ngayon. Ang sanitasyon ay isa sa laban natin sa sakit kapanalig, at kung wala tayong tubig, paano na?

Sa pagtugon natin sa El Nino, kailangan din na long-term ang ating pananaw dito. Ang banta ng kakulangan sa tubig, kapanalig, ay hindi lamang ngayong taon. Ayon nga sa isang pag-aaral sa Asya, habang dumadami ang populasyon sa mga syudad, tumataas ang water demand. Pagdating ng 2030, 2.5 bilyon na ang titira sa mga urban aras ng Asya, at kung walang maayos na pagpaplano, magkukulang talaga ang suplay ng tubig, lalo sa syudad, may El nino man o wala.

Ayon kay Pope Francis sa kanyang World Day of Prayer for the Care of Creation, “Care for water sources and water basins is an urgent imperative.”  Ang maayos na pangangalaga at pamamahala ng ating water resources ay obligasyon nating lahat, lalo na sa mga may hawak ng awtoridad ukol dito. Nawa’y matagumpay nilang matugunan ang hamon na ito para sa kabutihan ng balana, ngayon at sa hinaharap.

Sumainyo ang Katotohanan.



truthshop
Shadow
Spiritual Frontliner banner

BE OUR PARTNERS!

ads
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow


Subscribe Now to Received Latest News and Blogs

Subscribe to us and receive latest News & Updates in your inbox