Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Employers at manggagawa, inihahanda ng ILO sa paggamit ng AI

SHARE THE TRUTH

 14,379 total views

Pinapahanda ng International Labor Organization (ILO) ang mga employer at manggagawa sa paggamit ng Artificial Intellenge at makabagong teknolohiya na makakatulong sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapaunlad sa ekonomiya.

Ito ang isinulong ng ILO Philippines sa kakatapos na 45th National Conference of Employers (NCE) sa Pilipinas.

Ayon kay Sangheon Lee, ILO Director for Employment Policy, Job Creation and Livelihoods Department, kinakailangan ng mga employer na maghanda sa madalas na paggamit ng AI at makabagong teknolohiya upang umagapay na mapadali ang produksyon.

“Such transition will involve enterprise development, skills and income support given its great potential for job creation combined with comprehensive and integrated employment policies and social protection,” mensahe ni Lee na ipinadala ng ILO Philippines sa Radio Veritas.

Sa pag-aaral ng international agency, aabot sa 8.4-milyong oportunidad ng trabaho ang maaring magbukas para sa mga manggagawa kung tuluyang gagamitin ang green energy sa mga negosyo.

Ito ay ang paggamit ng mga kompanya sa appliances, renewable energy resources at generators na eco-friendly at makakatulong sa pagbawas ng polusyon sa kalikasan.

Unang ipinarating ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa pagdiriwang ng World Communications Day na kailanman ay hindi mapapalitan ng AI ang karunungan, talino, puso at oras na inilalaan ng mga tao sa kanilang trabaho.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 41,862 total views

 41,862 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 62,589 total views

 62,589 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 70,904 total views

 70,904 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 89,003 total views

 89,003 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 105,154 total views

 105,154 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 5,447 total views

 5,447 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top