Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 137,818 total views

Ang sektor ng enerhiya ay kritikal sa ating bansa. Ito ang pundasyon ng mga industriya, komersyo, at pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan. Kung hindi natin mahaharap ang mga hamon na umaaligid dito, malaking problema ang sasalubong sa ating bayan sa kalaunan.

Isa sa pinakamalaking hamon sa sektor ng enerhiya sa Pilipinas ay ang kakulangan sa sapat at abot-kayang suplay ng kuryente. Marami mang development sa energy generation ng ating bansa, may mga pagkakataon pa rin na numinipis ang suplay ng kuryente sa ating bayan. Maaring mas numipis pa ito, lalot napipintong maubos na ang suplay sa Malampaya natural gas fields nitong 2024 hanggang 2025, ayon sa isang pag-aaral ng International Trade Administration ng US Department of Commerce. Sinu-supply nito ang 30% ng enerhiya ng Luzon.

Ang extreme weather events ay malaki rin ang epekto sa enerhiya ng bayan. El Nino ngayon, at umiinit na ng umiinit sa ating bansa. Ang pagtuloy ng pag-init na ito ay nagpapataas pa ng demand at konsumo ng elektrisidad. Pagdating ng summer, mas tataas pa ang demand para dito, na maaaring magdulot ng mas manipis na suplay ng kuryente.

Mayroon ding mga isyu sa sektor ng enerhiya kaugnay ng kakulangan sa pamumuhunan at pag-unlad sa imprastraktura. Ang pagpapabaya sa mga upgrade at maintenance sa mga planta ng kuryente at grid system ay nagdudulot ng mga pagkaantala at pagkaputol ng serbisyo. Dagdag pa ang inefficiencies sa sistema ng distribusyon ng kuryente sa maraming lugar, na nagdudulot ng kakulangan ng access sa kuryente. Karaniwan ito sa mga probinsya at remote areas ng ating bayan.

Reliant o nakadepende pa rin tayo sa coal at fossil fuels ngayon para sa ating suplay ng enerhiya. Malaking hamon ito dahil mapanganib at mapanirang source of energy ito – naglalabas ito ng emisyon na nagpapainit ng mundo at nagdudulot ng pollutants na masama ang epekto sa kalusugan ng tao at kapaligiran. Kailangan ng bansa ng mas maraming renewable sources of energy tulad ng solar, wind, at hydroelectric power.

Kapanalig, kailangan nating tiyakin na ang suplay ng ating kuryente ay consistent at sustainable. Maari natin itong magawa kung mas mapapalawak natin ang paggamit ng renewable energy. Ang pag-invest sa mga teknolohiya para dito, at para sa sa energy storage at grid improvements ay maaaring tumulong sa pagtitiyak ng sustainability ang enerhiya sa bansa.

Marami at malaki man ang mga hamon sa sektor ng enerhiya sa Pilipinas, mauungusan natin ito sa pamamagitan ng tamang pamamahala, pagtutok sa malinis at renewable energy, at pagsuporta sa lokal na industriya. Huwag nating hayaan na business as usual ang patakaran sa energy sector dahil sa kalaunan, kung magtutuloy ito, tayo at ang bansa natin ang talo. Mawalan lamang ng kuryente sa bansa ng limang oras, tinatayang P566 million na ang nawawala sa ating ekonomiya. Ang pagtitiyak ng sustainable energy sa bansa ay bahagi ng ating tungkulin bilang Kristiyanong Katoliko at bahagi ng prinsipyo natin ng kabutihan ng balana o ng common good. Ang enerhiya ay isang common good na dapat nating pangalagaan dahil ito ay isang biyaya na nakalaan para sa kasulungan ng lahat. Ayon nga sa Compendium of the Social Doctrine of the Church: The common good is always oriented towards the progress of persons. Kapag sustainable ang enerhiya natin, tuloy tuloy ang paglago ng bayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 10,641 total views

 10,641 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 18,741 total views

 18,741 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 36,708 total views

 36,708 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 66,023 total views

 66,023 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 86,600 total views

 86,600 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 10,642 total views

 10,642 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 18,742 total views

 18,742 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 36,709 total views

 36,709 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 66,024 total views

 66,024 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 86,601 total views

 86,601 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 85,393 total views

 85,393 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 96,174 total views

 96,174 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 107,230 total views

 107,230 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 71,092 total views

 71,092 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 59,521 total views

 59,521 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 59,743 total views

 59,743 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 52,445 total views

 52,445 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 87,990 total views

 87,990 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 96,866 total views

 96,866 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 107,944 total views

 107,944 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top