Enough is enough

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 482 total reads

Inihayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na nararapat lamang ipagtanggol ang pananampalatayang Katoliko laban sa mga sumisira dito.

Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, napapanahon nang manindigan ang Simbahan at hindi ipagsawalang bahala ang pang-aatake sa pananampalataya lalo’t ito’y mula sa pinakamataas na opisyal ng bansa.

“Catholicism in the Philippines is under attack, ironically, from the highest governing official of the land. The Philippine church is in a stance where it has to defend its faith and beliefs. Enough is enough,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng Obispo na ang tunay na mananampalataya ay nakahandang tumayo para ipagtanggol ang Simbahan sa mga paninira, pananakot at pambabanta sa mga pastol ng sambayanan ng Diyos.

Iginiit ng pinuno ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na ang pagsasalita ng mga Obispo laban sa mga pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi paghihiganti kundi pagtatanggol lamang sa masasamang salita na ipinupukol sa katuruan ng Simbahan partikular sa Panginoong Hesukristo at sa Banal na Santatlo.

“Yes, the Bible taught us to reject revenge and retaliation and turn the other cheek but being a true follower of Christ does not mean we will turn a deaf ear to the verbal abuses hurled against the Catholic church and its clergies,” dagdag ni Bishop Santos.

Ito ang tugon ni Bishop Santos sa pahayag ni Atty. Salvador Panelo, tagapagsalita ng Pangulo na dapat hindi mangingi-alam ang Simbahan sa pamamalakad ng Pangulo sa pamahalaan sa kabila ng maaanghang na salita laban sa mga Obispo at Paring hindi sumasang-ayon sa mga polisiyang ipinatutupad.

Nanindigan si Bishop Santos na hindi dapat palagpasin ang mga panghahamak ng pangulong Duterte.

“We believers, must not sit passively in one corner and let the tirades go on. We have voiced our opinions,” ayon kay Bishop Santos.

PANANAGUTAN SA DIYOS
Gayunpaman, sinabi ni Bishop Santos na hindi kailangan ng Diyos ang sinuman para ipagtanggol ito mula sa mga nanghahamak sa Kaniyang pangalan dahil ito ang maghahatol sa huling araw.

“After all, the Creator of heaven and earth does not need us or anybody to defend Him. The absolute truth remains that one day, those who mock God will face Him in the judgement throne and give an account for every single blasphemy said against Him,” dagdag ng Obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 78,278 total reads

 78,278 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 125,920 total reads

 125,920 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 173,791 total reads

 173,791 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 277,739 total reads

 277,739 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 360,200 total reads

 360,200 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top