Environmental crisis, mas matindi sa COVID-19 pandemic

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 571 total reads

Hinikayat ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na patuloy na isaalang-alang ang pangangalaga sa kalikasan kasabay ng nararanasang epekto ng krisis dulot ng Coronavirus disease.

Ayon sa mensahe ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on the Laity, bagamat nagtapos na ang paggunita sa Season of Creation ay matatapos na rin ang tungkulin ng bawat isa na pangalagaan ang ating inang kalikasan.

Sinabi ng Obispo na ang pangangalaga sa ating kalikasan ay isang nagpapatuloy at mas mabigat na krisis kumpara sa pandemyang nararanasan ngayon.

“Hindi po dahil sa nagtapos na ang Season of Creation, na tapos na ang ating pag-aabala at pag-alaga sa inang kalikasan. Ito po’y isang patuloy na krisis at mas mabigat na krisis kaysa sa virus. Kaya sana po patuloy na isaalang-alang natin ito”, mensahe ni Bishop Pabillo sa Healing Mass sa Veritas

Karaniwang nagtatapos ang paggunita sa Season of Creation kasabay ng kapistahan ni San Francisco de Asis, ang patron ng kalikasan, ngunit pinalawig ito sa Pilipinas hanggang ika-11 ng Oktubre, upang gunitain ang Indigenous Peoples’ Sunday.

Ito’y bilang pagkilala sa ambag ng mga katutubong tunay na tagapangalaga at tagapangasiwa ng ating inang kalikasan.

Hinihimok naman sa ensiklikal na Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga mananampalataya na pangalagaan at protektahan ang sangnilikha upang hindi ito magdulot ng pinsala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 73,505 total reads

 73,505 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 168,683 total reads

 168,683 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 212,951 total reads

 212,951 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 236,060 total reads

 236,060 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 307,893 total reads

 307,893 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 146,577 total reads

 146,577 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top