CBCP official, nagpahayag ng suporta sa mga guro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 616 total reads

Pinaalalahanan ng education ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga guro na hindi ito nag-iisa sa pagtupad ng kanilang misyong hubugin ang kabataan sa kabila ng makabagong paraan.

Ito ang mensahe ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education sa pagdiriwang ng World Teachers Day.

Tiniyak ng obispo na katuwang ng mga guro ang Panginoon, mga magulang at simbahan sa pagtuturo sa kabataan.

“Kilalanin ninyo na kasama ninyo ang Diyos, ang kapwa mga guro at ang mga magulang sa pagtupad ng inyong misyon,” pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Batid ni Bishop Mallari ang hirap ng mga guro at pagsasakripisyo lalo ngayong panahon ng pandemya kung saan ipinatutupad ang blended learning sa buong Pilipinas.

Nagsusumikap ang mga guro na itaguyod at ipagpatuloy ang paghuhubog sa kabataan gamit ang makabagong teknolohiya sa online learning at pamamahagi ng module naman para sa mga mag-aaral na walang kakayahang mag-aral online.

“Alam ko doble ang pagsasakripisyo na hinihingi sa atin ng ating misyun upang magturo; Sana pagkalooban pa kayo ng Diyos ng mas maalab na pagmamahal para sa Diyos, sa bayan at sa mga estudyante na ipinagkatiwala sa atin,” dagdag pa ni Bishop Mallari.

Kasabay ng World Teachers Day ay nagsimula na rin ang klase sa mga pampublikong eskwelahan sa bansa kung saan sa tala ng Department of Education ay nasa 20-milyon ang bilang ng mga estudyanteng nagpatala na mas mababa kumpara noong 2019 na nasa 30-milyon.

Ipinagdasal din ng simbahan ang halos isang milyong mga guro sa bansa na sasabak sa misyon at higit ring ipinapanalangin ang kapakanan ng tinatayang mahigit tatlong libong guro na posibleng mawalan ng kabuhayan dahil sa pagsasara ng 700 pribadong eskwelahan sa bansa dahil sa pagkalugi dulot ng pandemya.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 53,859 total reads

 53,859 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 104,596 total reads

 104,596 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 225,176 total reads

 225,176 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 275,533 total reads

 275,533 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 400,516 total reads

 400,516 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top