Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Gawing gabay ang encyclical letter ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

 1,298 total views

Hinikayat ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga mananampalataya na basahin at unawain ang panibagong liham o encyclical na inilathala ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, nakabatay ang ikatlong encyclical ni Pope Francis sa mga aral at tinuran ni St. Francis of Assisi na may titulong ‘Fratelli tutti’ sa salitang Italian na nangangahulugan ng “All Brothers”.

Iginiit ng Obispo na napapanahon ang ikatlong encyclical ng Santo Papa na tumatalakay sa ‘pagkakapatiran’ lalo na sa kasalukuyan panahon kung saan ang buong daigdig ay humaharap sa banta ng Coronavirus Disease 2019.

“Ang bagong liham ni Papa Francisco ‘Fratelli tutti’ yan po ay nakatuon din sa mga sinabi ni St. Francis of Assisi sa salitang yun ‘Fratelli tutti’ ibig sabihin lahat tayo ay magkakapatid at ito po ang paksa ng kanyang liham ang kapatiran ng lahat ng mga tao, sa paglabas ng liham basahin natin ito magandang katuruan po sa atin sa ating panahon ngayon…” pahayag ni Bishop Broderick Pabillo sa Radio Veritas.

Ika-apat ng Oktubre ng opisyal na lagdaan ng Santo Papa ang ikatlong encyclical matapos ang kanyang isinagawang misa bago ang kapistahan ni St. Francis of Assisi sa mismong libingan ng Santo.

Isinapubliko ang ‘Fratelli tutti’ noong ika-5 ng Oktubre na kapistahan ni San Francisco de Asis.

Nilalaman ng bagong encyclical ng mga pagninilay ni Pope Francis patungkol sa human fraternity at social friendship lalo na sa gitna ng COVID-19.

Ang ‘Fratelli tutti’ ang magsisilbing ikatlong encyclical ni Pope Francis kasunod ng ‘Lumen Fidei’ na sinimulan ni Pope Emeritus Benedict the 16 at ang Laudato Si’ na inilathala noong 2015.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 52,744 total views

 52,744 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 64,461 total views

 64,461 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 85,294 total views

 85,294 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 100,998 total views

 100,998 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 110,232 total views

 110,232 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 5,863 total views

 5,863 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 6,474 total views

 6,474 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top