Exploration activities ng Woggle Corporation, ipinapatigil ng ATM sa DENR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,021 total reads

Nanawagan ang Alyansa Tigil Mina (ATM) sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang agarang ipatigil ang exploration activities ng Woggle Corporation sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya dahil sa mga paglabag ng kumpanya.

Ayon kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera, sinusuportahan ng kanilang grupo ang panawagan ng mga residente at ng Oyao Village Council na nagtayo ng barikada sa lugar bilang pagtutol sa iligal na pagmimina at kawalan ng pahintulot mula sa mga apektadong pamayanan.

Ipinahayag din ni Garganera ang pagkagalak sa inilabas na suspension order mula sa DENR-Regional Office, ngunit binigyang-diing nananatiling hindi malinaw kung anong bahagi lamang ang nasasaklaw ng kautusan—kung ito ba tumutukoy sa tree-cutting, exploration activities, o mga permit.

“We demand that the mining permit be revoked and all on-site activities of the mining company be prevented. This mining project is not welcome and the community’s rejection must be respected,” pahayag ni Garganera.

Agosto nang kasalukuyang taon nang pagkalooban ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng exploration license ang Metals Exploration Plc (MTL) na sumasaklaw sa 3,100 ektarya para sa pagmimina ng ginto at tanso.

Ang Woggle Corporation, na ang 60% ay pagmamay-ari ng FCF Minerals Senior Staff Annuity Corporation at ang 40% nama’y sa MTL—ay sinimulan na ang exploration activities na mariing tinututulan ng mga residente dahil sa banta sa kapaligiran at kabuhayan.

Kabilang sa mga hinaing ng komunidad ang kakulangan ng tunay na konsultasyon, pagputol ng mga puno at halaman sa lugar, at paglabag sa mga pribadong ari-arian.

Hiling ni Garganera na ipatupad nang buo ang Environment Code ng Nueva Vizcaya na nagbabawal sa mapaminsalang pagmimina at iginiit na dapat ding panindigan ng mga ahensya ng pamahalaan ang mga batas pambansa para sa pangangalaga ng kalikasan.

“We demand that the Environment Code of Nueva Vizcaya, which prohibits destruction mining practices, be fully enforced. We call on concerned agencies to uphold national environmental protection laws,” giit ni Garganera.

Mariin namang tinututulan ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ang mapaminsalang pagmimina sa lalawigan dahil sa idinudulot nitong pinsala at pangamba sa buhay ng mga tao at kalikasan.

Itinuturing ang Nueva Vizcaya bilang ‘watershed haven’ dahil sa taglay na mga watershed na tumutugon sa pangangailangang patubig at pang-agrikultura ng lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 39,721 total reads

 39,721 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 119,780 total reads

 119,780 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 153,228 total reads

 153,228 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 188,526 total reads

 188,526 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 413,551 total reads

 413,551 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 156,551 total reads

 156,551 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top