Expose sa corruption ng administrasyong Duterte, itinanggi ni Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 625 total reads

Nilinaw ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo na hindi sa kanya nagmula ang mga kumakalat sa social media hinggil sa usapin ng korapsyon sa pamahalaan habang umiiral ang pangkalusugang krisis sa lipunan.

Tinutukoy ng Obispo ang pahayag na may titulong “The Facemask: Symbol of corruption; downfall of Duterte” tungkol sa kontratang iginawad ng Administrasyong Duterte para sa kumpanyang Pharmally Pharmaceutical upang bumili ng mga overpriced protective gears tulad ng face masks at face shields na nagkakahalaga ng mahigit sa P8-bilyon.

Sinabi ni Bishop Pabillo na bagamat hindi sa kanya nagmula ang pahayag sang-ayon ito sa nais nitong iparating na mensahe sa publiko.

“May pinapaikot na ako sa viber na hindi ako ang sumulat ng article na iyon pero sumasang-ayon ako sa nilalaman niya,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, nabanggit din sa kumakalat na pahayag na ang ma-anomalyang transaksyon ng pamahalaan ay nagpapatunay lamang na isinasawalang bahala nito ang kapakanan ng mamamayang lubos nang naghihirap at nagdurusa dahil sa epekto ng coronavirus pandemic.

Dagdag pa rito na maaaring ginagamit na lamang ng kasalukuyang administrasyon ang kalagayan ng bansa ngayong pandemya upang manatili sa kapangyarihan.

“They literally made a killing out of this corrupt transaction. While Filipinos are dying and more are getting sick, Duterte and his cohorts are laughing themselves all the way to possibly staying in power beyond 2022 with a huge election money to be able to buy the votes of the poor and suffering Filipinos,” bahagi ng pahayag.

Batay sa isinasagawang pagdinig ng Senado kaugnay sa pagbili ng Department of Health sa pamamagitan ng Department of Budget and Management-Procurement Service ng overpriced na face masks at face shields, lumabas ang pangalan ng ilang personalidad na sinasabing kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinilala ito na sina Michael Yang, dating economic adviser ng pangulo, at Lloyd Christopher Lao na dati namang undersecretary ng DBM-PS na parehong may kaugnayan sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Ipinagtanggol ni Pangulong Duterte ang kanyang mga kaibigang sinasabing sangkot sa pagbili ng mga overpriced na face masks at face shields, ngunit sinabi rin ng pangulo na kapag napatunayang may ginawang mali sina Yang at Lao, dapat lamang itong papanagutin.

Patuloy namang naninindigan ang Simbahang Katolika na mahalaga ang pagiging mapagmatyag ng publiko upang matiyak na wasto at naaangkop ang mga desisyon at pagkilos ng pamahalaan para sa kapakanan ng mamamayan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 9,345 total reads

 9,345 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 9,472 total reads

 9,472 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 17,661 total reads

 17,661 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 74,067 total reads

 74,067 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 197,568 total reads

 197,568 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 282,072 total reads

 282,072 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 175,163 total reads

 175,163 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top