Family and Life group, nangangambang maisama sa RA-11908 ang reproductive health provisions

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,376 total views

Hindi sang-ayon ang family and life group na maibilang sa implementing rules and regulations (IRR) ng Parents Effectiveness Service Program Act o RA-11908 ang reproductive health provisions.

Iginiit ni Atty. Joel Arzaga-vice president for Legislative affairs of Alliance for the Family Foundation at secretary ng University of the Asia and Pacific Institute of Law na ang estado lagging bias.

“At unang-una po nilang nilagay ay ‘yung reproductive health concerns so siguro bilang mga katoliko, syempre ang ating simbahan ay mayroon partikular na paniniwala tungkol dito at baka mag conflict doon sa ituturo mula dito sa mga modules ng Parent Effectiveness Service program dahil alam naman po natin na ang estado ang kanilang bias is for family planning through artificial means.” ayon kay Arzaga.

Nangangamba rin si Arzaga na ipatupad ang probisyon at modules sa paghuhubog ng mga kabataan, maging sa mga nabibilang sa pananampalatayang Katoliko na tutol sa artificial family planning.

“Hindi lamang po iyon, maliban po sa ating freedom of conscience and freedom of religion sa atin pong saligang batas ‘yung atin mga magulang sila ‘yung mayroong primary right and duty na maghubog sa kanilang mga anak at sana itong mga batas na ito hindi isang paraan na kung saan papalitan yung mga magulang ng estado sa paghuhubog ng mga anak.” dagdag pa ni Arzaga.

June 15, nang nilagdaan ang I-R-R ng RA 11908 na ginanap sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) office kasama si Sec. Rex Gatchalian na kabilang din sa lumikha ng IRR sa ipatutupad na batas.

Nilinaw naman ni Arzaga na hindi tutol ang grupo at simbahan sa nilalayon ng batas na mapabuti ang pagpapalaki at paghuhubog ng mga magulang sa kanilang anak.

Gayunman, nanindigan si Arzaga na ang mga magulang pa rin ang may pangunahing tungkulin sa kanilang anak at hindi ang estado.

Ang batas ay nilagdaan noong July 2022, kung saan kabilang sa mga magpapatupad ang mga lokal na pamahlaaan, kasama ang DSWD, Department of Justice at Department of Health.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 28,982 total views

 28,982 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 62,064 total views

 62,064 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 90,415 total views

 90,415 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 158,146 total views

 158,146 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 179,233 total views

 179,233 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top