Vice-President Duterte, kinontra ng FFW

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,105 total views

Umapela ang Federation of Free Workers (FFW) sa pamahalaan na tanggapin ang Afghan Refugees.

Inihayag FFW President Atty. Sonny Matula na karamihan sa mga refugee ay mga manggagawa na nababalewala ang karapatang pangtao dahil sa paniniil ng Taliban Forces.

Inaalala din ng F-F-W ang kapakanan ng mga kababaihang Afghan Refugee, Religious at Ethnic minorities na sinusubukang makaalis sa Afghanistan.

“As the situation unfolds, the FFW continues to extend its solidarity to Afghan workers who are facing challenges in their fight for equality of employment and occupation under ILO Convention 111.” ayon sa ipinadalang mensahe ni Atty.Matula sa Radio Veritas.

Umaasa si Matula na alalahanin ng mga opisyal sa pamahalaan ang kasaysayan ng Pilipinas na unang tumanggap ng mga refugee na Hudyo at Vietnamese.

Ito ang apela ni Matula matapos tutulan ni Vice-President Sara Duterte at iba pang opisyal ng pamahalaan ang panawagan ng Amerika na tanggapin ang 50-libong Afghan Refugees habang inaayos ng Estados Unidos ang kanilang mga VISA at iba pang mahahalagang papeles.

“We have a moral obligation to once again open our doors to those in need. We call upon the Philippine government to extend the same kindness to the Afghan refugees.” bahagi pa ng mensahe ni Matula.

Sa paggunita World Refugee Day noong nakalipas na taon, iginiit ni outgoing Balanga Bishop Ruperto Santos, vice-chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples na palawigin ang pagkalinga at pakikiisa sa mga refugee na kinailangang umalis ng kanilang bansa upang makatakas sa digmaan o iba pang uri ng sigalot .

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatan sa disenteng tahanan

 8,418 total views

 8,418 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 43,677 total views

 43,677 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 75,920 total views

 75,920 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 227,976 total views

 227,976 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Para sa isang smartphone?

 252,340 total views

 252,340 total views Mga Kapanalig, sinong ayaw manalo ng pinakabago at pinakasikat na smartphone? Ganito inakit ng isang sikat na social media influencer ang mahigit 50

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top