Family and Life group, nangangambang maisama sa RA-11908 ang reproductive health provisions

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,340 total views

Hindi sang-ayon ang family and life group na maibilang sa implementing rules and regulations (IRR) ng Parents Effectiveness Service Program Act o RA-11908 ang reproductive health provisions.

Iginiit ni Atty. Joel Arzaga-vice president for Legislative affairs of Alliance for the Family Foundation at secretary ng University of the Asia and Pacific Institute of Law na ang estado lagging bias.

“At unang-una po nilang nilagay ay ‘yung reproductive health concerns so siguro bilang mga katoliko, syempre ang ating simbahan ay mayroon partikular na paniniwala tungkol dito at baka mag conflict doon sa ituturo mula dito sa mga modules ng Parent Effectiveness Service program dahil alam naman po natin na ang estado ang kanilang bias is for family planning through artificial means.” ayon kay Arzaga.

Nangangamba rin si Arzaga na ipatupad ang probisyon at modules sa paghuhubog ng mga kabataan, maging sa mga nabibilang sa pananampalatayang Katoliko na tutol sa artificial family planning.

“Hindi lamang po iyon, maliban po sa ating freedom of conscience and freedom of religion sa atin pong saligang batas ‘yung atin mga magulang sila ‘yung mayroong primary right and duty na maghubog sa kanilang mga anak at sana itong mga batas na ito hindi isang paraan na kung saan papalitan yung mga magulang ng estado sa paghuhubog ng mga anak.” dagdag pa ni Arzaga.

June 15, nang nilagdaan ang I-R-R ng RA 11908 na ginanap sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) office kasama si Sec. Rex Gatchalian na kabilang din sa lumikha ng IRR sa ipatutupad na batas.

Nilinaw naman ni Arzaga na hindi tutol ang grupo at simbahan sa nilalayon ng batas na mapabuti ang pagpapalaki at paghuhubog ng mga magulang sa kanilang anak.

Gayunman, nanindigan si Arzaga na ang mga magulang pa rin ang may pangunahing tungkulin sa kanilang anak at hindi ang estado.

Ang batas ay nilagdaan noong July 2022, kung saan kabilang sa mga magpapatupad ang mga lokal na pamahlaaan, kasama ang DSWD, Department of Justice at Department of Health.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 58,423 total views

 58,423 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 67,787 total views

 67,787 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 94,243 total views

 94,243 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 142,534 total views

 142,534 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 143,581 total views

 143,581 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top