Feeding of 5000 sponsorship campaign, inilunsad ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 532 total reads

Pormal nang inilunsad ng Caritas Manila ang ‘The Feeding of the 5000 Sponsorship Campaign’ bilang patuloy na paglingap sa mga kabataang nais mag-aral subalit walang kakayahang pinansyal.

Unang araw ng Hulyo nang isinagawa ang Youth Servant and Leadership Education Program (YSLEP) Telethon ng Caritas Manila na layong makapangalap ng karagdagang pondo para sa pagpapaaral sa mga scholars ng social action arm ng Arkidiyosesis ng Maynila.

Naniniwala ang Caritas Manila na ang edukasyon ang susi upang maiangat ang antas ng pamumuhay ng mamamayan at mabawasan ang karukhaan sa bansa.

“The sponsorship campaign is aligned to support our flagship program Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP), envision to invest further in a long-term solutions to eradicate poverty and in nation building through educating our Filipino youth,” mensahe ng Caritas Manila.

Ang Feeding the 5000 Sponsorship Campaign ay hango sa Bibliya kung saan pinakain ni Hesus ang 5,000 katao sa pamamagitan ng 5 tinapay at 2 isda at ito rin ay naaayon sa Tithing for the Poor Movement ng Caritas Manila.

Sa pamamagitan nito isang kabataang servant leader ang maaaring regular na tutulungan ng 5 sponsor/donor hanggang makapagtapos sa pag-aaral ng kolehiyo.

Sa pagsasaliksik ng Caritas Manila sa pag-aaral ni Ducanes at Tan (2014), bumababa sa 2.4 porsyento ang kahirapan sa isang pamilya na may nakapagtapos sa kolehiyo.

Bunsod nito, naninindigan ang Caritas Manila na isang mahalagang sangkap ang edukasyon sa pagpapababa ng kahirapan.

Ang mga maaring benepisyaryo ng YSLEP ay mga nagmumula sa ‘Urban Poor Youth, Menial Youth Workers, Children in Conflict with the Law, Children of Fishermen and Farmers, Differently Abled Youth, Orphans, Young Indigenous People, Children and Youth who are Survivors of War and Disasters, Children and Youth who are Survivors of Human Trafficking, Children of Prisoners, Street Children and Youth, Highschool and College Dropouts.’

Bukod dito dapat ding nakahanda ang mga scholars sa pakikiisa sa developmental activities at regular formations na ibinibigay ng Caritas Manila, aktibong makikibahagi sa mga gawain ng parokya, kinakailangan maglaan ng 100 oras ng volunteer work sa komunidad bawat taon, panatilihin ang 85% General Weighted Average(GWA), hindi palipat-lipat ng kurso at hindi benepisyaryo ng ibang programang pang edukasyon.

Sa taong school year 2018 – 2019 umabot sa 1, 061 ang nagsipagtapos sa na scholars ng YSLEP kung saan 744 dito ay nagmula sa Metro Manila, 6 dito ang Magna Cum Laude, 41 ang Cum Laude, 42 ang may Academic Excellence/Dean’s list, 13 ang President’s List, at 67 ang Special Awardees.

Ito ay pagpapakita ng konkretong hakbang ng Simbahang Katolika sa paglingap sa mga mahihirap sa lipunan partikular ang programang makatutugon sa kahirapan ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 36,266 total reads

 36,266 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 74,030 total reads

 74,030 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 109,329 total reads

 109,329 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 335,599 total reads

 335,599 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 226,720 total reads

 226,720 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top