Filipino hospitality, ipadama sa mga atleta ng SEA Games

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 491 total views

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mamamayan na magkaisang ipakita ang tunay na katangian ng mga Filipino bilang magiliw sa pagtanggap ng mga panauhin.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, pinuno ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples’ (CBCP-ECMI) na dapat ipadama ng mga Filipino ang mainit na pagtanggap sa mga dayuhang bumibisita sa bansa.

“Let us all together, one and united to show our true face, that is, our caring and compassionate hospitality. We are all welcoming and endearing Filipinos, and so let them experience from us warm, concern and friendship,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ang pahayag ng obispo ay kaugnay sa gaganaping 32nd Southeast Asian Games na magbubukas sa ika-30 ng Nobyembre kung saan ang Pilipinas ang napiling host country.

Nanawagan din si Bishop Santos sa mamamayan na wakasan ang hindi magagandang komento hinggil sa mga pagkukulang sa pagtanggap ng mga dayuhang manlalaro sa SEA Games 2019 sapagkat hindi ito nakatutulong sa paglutas sa suliranin.

“Let us set aside bitter criticism, unsavoury comments which will not inspire nor encourage our athletes and guests,” ani ni Bishop Santos.

Una nang binatikos ng mamamayan hindi lamang ng Pilipinas kundi ng mga dayuhang bansa ang kakulangan sa kahandaan ng bansa sa pagtanggap ng mga atleta mula sa iba’t ibang bansa, ang pagbibigay ng pagkain at maging ang hindi pa natatapos na mga venue kung saan gaganapin ang ibang mga laro ng SEA Games.

Isang netizen naman ang nanawagan sa iba’t ibang insitusyon na magbayanihan upang suportahan ang mga atleta na kalahok ng SEA Games halimbawa sa pagbibigay ng pagkain at matutuluyan.

Binigyang diin ng pinuno ng migrants ministry ng simbahan na magkaisa ang mamamayan sa pagtulong sa anumang pamamaraan upang mapalakas ang kalooban ng bawat manlalaro.

“Let us foster cooperation and extend our helping hands to build up one another and our country; with this, we will win more than gold, we win their hearts and mind. Goodwill triumphs!”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 110,511 total views

 110,511 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 234,922 total views

 234,922 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 275,035 total views

 275,035 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 348,862 total views

 348,862 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top