Filipino parents, hinimok ng CBCP na bigyan ng sapat na nutrisyon ang mga bata

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,292 total reads

Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang mga magulang na pagtuunan ang pagbibigay ng sapat na nutrisyon sa mga bata.

Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Father Rodolfo Vicente “Dan” Cancino, mahalagang sa tahanan pa lamang ay nauumpisahan na ang pagbibigay at pagkakaroon ng kaalaman hinggil sa tama at sapat na nutrisyon sa mga bata upang lumaking malusog ang pangangatawan.

Ang panawagan ni Fr. Cancino ay kaugnay sa pagdiriwang ng National Nutrition Month 2024 ngayong Hulyo na naglalayong palawakin ang kamalayan at pakikilahok ng iba’t ibang sektor ng lipunan upang suportahan ang Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) 2023-2028.

“Hinihimok ko ang mga magulang na magbigay, paglaanan ng tamang nutrisyon ‘yung mga bata. Hindi ibig sabihin na ito ay usong pinapakain sa mga bata ay ito na ‘yung mas nutritious na pinapakain. Kapag minsan, madali na rin ‘yung ready-made, ‘yung panandalian na lang. Iba pa rin talaga ‘yung may nutrisyon na para sa mga bata,” ayon kay Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Iminungkahi rin ng pari ang pagsasagawa ng urban o backyard farming sa mga tahanan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga prutas at gulay sa mga recycled plastic bottle o iba pang sisidlan kung saan bukod sa pagkakaroon ng masustansyang pagkain ay makatutulong din ito sa pangangalaga sa kalikasan.

Nanawagan din si Fr. Cancino na suportahan ang HAPAG-ASA Integrated Nutrition Program bilang pagtugon ng simbahan sa suliranin ng kagutuman at malnutrisyon sa mga musmos sa bansa.

“Kailangan din ito ng talagang commitment, kailangan ito ng mga taong mas malawak ‘yung pag-iisip tungkol sa ating nutrisyon…Tatandaan natin, tayo ay magkakaugnay, at maganda rin na may konting sakripisyo tayo. ‘Yung ating konting maia-ambag para sa mga batang nagugutom, mga malnourished ay pagbibigay-buhay para sa kanila,” ayon kay Fr. Cancino.

Ipinagdiriwang ngayong taon ang ika-50 Nutrition Month na nagsimula noong 1974 sa bisa ng Presidential Decree 491 o ang Nutrition Act of the Philippines.

Tema ng Buwan ng Nutrisyon ang “Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat” kung saan na naglalayong pagtuunan ang PPAN 2023-2028 upang mapabuti ang nutrisyon ng bansa, at matugunan ang pangunahing sanhi ng malnutrisyon tulad ng kawalan ng katiyakan sa pagkain at kahirapan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 48,528 total reads

 48,528 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 98,132 total reads

 98,132 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 146,003 total reads

 146,003 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 249,952 total reads

 249,952 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 333,604 total reads

 333,604 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 166,476 total reads

 166,476 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top