Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

FIND, dismayado sa pagpapaliban ng confirmation hearing ng dating pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

 3,374 total views

Nagpahayag ng pagkadismaya ang Families of Victims of Involuntary Disappearance (FIND) sa pagpapaliban ng International Criminal Court (ICC) sa confirmation hearing kaugnay sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakatakda sana sa ika-23 ng Setyembre, 2025.

Ayon sa grupo, maituturing na dagok para sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay ang pagkakaantala ng pagdinig sa kaso ng dating Pangulo na naglunsad ng marahas na War on Drugs mula ng maihalal noong 2016.

Pagbabahagi pa ng FIND, ang pagkaantala sa pagdinig ng kaso ni dating Pangulong Duterte ay isa ring masakit na paalala sa mga kapamilya ng mga biktima ng karahasan sa reyalidad ng kawalang katarungan at pagkakait ng hustisya sa bansa.

“For families who have endured the loss of loved ones through killings and enforced disappearances linked to his bloody “war on drugs,” this delay is not a mere technicality but rather another blow to their already long-denied pursuit of justice. Such postponement strengthens the climate of impunity in the Philippines and reinforces the painful reality that, for victims’ families, justice delayed is justice denied.” Bahagi ng pahayag ng FIND.

Ayon sa grupo, ang ICC ay itinuturing ng mga kapamilya ng mga biktima ng War on Drugs na huling natitirang paraan upang kanilang makamit ang katotohanan, pananagutan, at katarungan para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Paliwanag ng grupo, ang pagpapaliban sa nasabing pagdinig na isang mahalagang bahagi ng paglilitis sa mga kaso ng dating Pangulo ay isang banta sa pag-asa ng mga taong matagal nang naghintay katarungan at pagkilala sa pagdurusa at mga karapatan ng mga biktima ng karahasan.

Nananawagan naman ang FIND sa ICC na tiyakin ang pagbibigay katarungan sa lahat ng mga biktima ng karahasan lalo’t higit ang mga pinaslang upang mapagaan ang dinadala ng kanilang mga mahal sa buhay na matagal ng naghahangad ng hustisya para sa kanilang mga kapamilya.

“FIND calls on the ICC to ensure that justice is pursued without undue delay and that the voices of victims and their families remain at the center of its processes. Each day of postponement adds to their pain, but families remain steadfast in their demand for truth, justice, and accountability. Justice is long past overdue. Families and victims must not be made to wait any longer.” Dagdag pa ng FIND.

Sa datos ng FIND, may 56 na kaso ng sapilitang pagkawala ang naitala ng grupo na may kaugnayan sa marahas na implementasyon ng War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte.
Sa tala ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) aabot ng halos 9,000 – katao ang nasawi sa ilalim ng War on Drugs ng administrasyong Duterte habang sa tala ng iba’t ibang human rights organizations sa Pilipinas ay sa mahigit 20,000 ang mga nasawi.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalinga ng Diyos sa lupa

 11,331 total views

 11,331 total views Mga Kapanalig, higit sa pagpapakain at pagbibigay ng lugar para maligo at matulog sa mga kapatid nating nabubuhay sa lansangan, ang pagbabalik sa

Read More »

Edukasyong pang-kinder

 29,438 total views

 29,438 total views Mga Kapanalig, lumabas sa isang pag-aaral ng United Nations Children’s Fund o UNICEF na maraming estudyanteng Pinoy na nasa grade 3 ay may

Read More »

Kapayapaan sa sangnilikha

 34,860 total views

 34,860 total views Mga Kapanalig, kapayapaan sa sangnilikha! Noong isang linggo, binuksan natin ang “Panahon ng Sangnilikha” (o “Season of Creation”). Ipinagdiriwang ng Simbahan ang panahong

Read More »

ROBS TO RICHES

 94,738 total views

 94,738 total views Noong 2014, inilunsad ng Radio Veritas ang “Huwag kang Magnakaw” campaign na hango sa ika-pitong utos ng panginoon… Huwag kang Magnakaw! Itinatag ng

Read More »

ANO NANGYARI KAY TORRE?

 109,983 total views

 109,983 total views Si LT. General Nicolas Deloso Torre III, siya yung sinibak na ika-31 Philippine National Police Chief (PNP Chief). 85-araw lamang nanunungkulan bilang hepe

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Caritas Manila, nakipagtulungan sa Homebuddies

 3,616 total views

 3,616 total views Nakipagtulungan ang Caritas Manila sa mga online platform upang higit mapalawak ang Segunda Mana Program. Nakipagkasundo ang Social Arm ng Archdiocese of Manila

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top