Fr. Gariguez, nagpapasalamat sa pagkilala ng NASSA/Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 607 total reads

Nagpapasalamat sa pamunuan ng NASSA/Caritas Philippines si Father Edwin Gariguez, Social Action Director ng Apostolic Vicariate ng Calapan, sa natanggap na pagkilala mula sa social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Binigyan ng Social Action Network Recognition Award si Fr. Gariguez dahil sa hindi matatawarang paglilingkod bilang dating executive secretary ng Caritas Philippines sa loob ng higit 10 taon.

“Thanks to my successor in NASSA/Caritas PH, Fr. Tony Labiao and our current National Director, Bishop Colin Bagaforo and our Social Action Network for the Recognition Award!,” ayon kay Fr. Gariguez mula sa kanyang Facebook page.

Taong 2013 nang ipatupad ni Fr. Gariguez ang pinakamalawak na humanitarian response ng Caritas Philippines kung saan naabot nito ang pinakamahihirap na pamayanan na higit na nangangailangan ng tulong.

Itinatag din ng pari noong 2016 ang social action transformational leadership center na kalauna’y naging Caritas Philippines Academy na institusyon para sa Philippine Catholic Church Development and Humanitarian Program.

Samantala, noong 2018 naman ay ibinahagi ni Fr. Gariguez ang kanyang pangako upang palakasin ang ugnayan ng social arm ng simbahan sa pamamagitan ng pagtataguyod at pagtatanggol sa karapatan ng kalikasan.

Kaugnay nito, taong 2019 nang mas hinimok nito ang CBCP na kilalanin ang nangyayaring “global climate emergency”, na humantong sa pagpapatibay ng liham pastoral ng kapulangan ng mga Obispo hinggil sa panawagan ng pagbabalik-loob para sa inang kalikasan.

Habang nitong 2020, ibinahagi at binuhay naman ni Fr. Gariguez ang kultura ng pagbabayanihan sa pamamagitan ng Caritas Kindness Station bilang bahagi ng pagtugon ng simbahan sa umiiral na pandemya.

Iginawad ang pagkilala kay Fr. Gariguez sa ginanap na 40th National Social Action General Assembly ng Caritas Philippines sa General Santos City noong Hunyo 15, 2022.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 78,916 total reads

 78,916 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 113,516 total reads

 113,516 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 148,816 total reads

 148,816 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 375,085 total reads

 375,085 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 264,227 total reads

 264,227 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,148 total reads

 155,148 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top